Aminado ang kampo ng ‘NO’ sa paghahati ng Palawan sa tatlong probinsya na malaki ang naitulong ng social media sa kanilang pangangampanya at pagkapanalo sa plebisito.
“Nakatulong somehow yung COVID [at] yung sa social media, natigil ang tao sa bahay and nakapagbasa sila ng mga information kaya nakita ninyo yung mobilization na nangyari doon sa mga kanya-kanyang mga munisipyo. It happend in the last few days ng campaign, yung nagkaroon na ng motorcades so yung people power nangyari na talaga siya nitong huli na,” pahayag ni Cynthia Sumagaysay-Del Rosario ng One Palawan Movement.
“Yes, malaki ang ginampanan [ng social media] kasi limited lang naman din yung ano (naaabot) namin sa radio. Ano lang kami (umaasa lang) medias interview lang naman ang paraan ko makapagparating, social media helped a lot and also yung pagkilos din. Gusto ko rin bigyan ng credit yung simbahan, yung pagkilos sa bawat komunidad. Collective effort naman talaga sa huli,”
Ganito rin ang naging reaksyon ni Atty. Grizelda “Gerthie” Mayo-Anda, environmental lawyer at isa sa mga kinatawan ng Save Palawan Movement. Malaki umano ang naitulong ng mga kabataan sa pag-share ng mga usapin sa pagahahati ng Palawan sa social media.
“Ang laki-laki ng role ng social media. Napakahalaga na gamitin ng maayos ang teknolohiya. Yan talaga ang isa sa major role sa kampanyang ito ng social media. Nakakataba ng puso na nakita mo ang mga kabataan nag-share ng mga videos, yung makatotohanan hindi yung mapanira kasi ayaw naman namin gawin yun. Ayaw natin mag-atake ng personal yung atin issues talaga at napalaganap yun, yung video, yung audio. Malaking papel yun sa information education,”
Napansin din ito ng Commission on Elections (COMELEC) National. Posible umabong malaki rin ang gagampanang papel ng Social Media sa paparating na National and Local elections sa 2022, kaya bubuo sila ng mga pamantayan kaugnay dito.
“In fact nong 2016 and 2019 election yung social media played significant role doon sa mga success or failure ng ating mga candidates. So by 2022, we expect more, mas extensive yung presence ng social media so sa kandidato yan, how they would formulate their campaign strategies.”
“May office naman sa COMELEC, ayaw ko naman pangunahan may mga policies yan na gagawin to regulate, I’m not saying to prohibit, to regulate the use of social media probably as online advertising kasi may mga rules tayo diyan under sa COMELEC so hintayin nalang natin yun,” Atty. Antonio T. Kho Jr., COMELEC Commissioner.
Discussion about this post