Ipinaliwanag ng opisyal ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa kung bakit COVID-19 case nang maituturing ngayon kahit nagpositibo lamang sa antigen test.
Ayon kay IATF Spokesperson Norman Yap kahapon, hindi pa niya nababasa ang bagong anunsiyo ang World Health Organization (WHO) ukol sa umano’y pagbabawal sa paggamit ng Antigen test sa pag-diagnose ng COVID-19 ngunit tinuran niyang sumusunod lamang sa atas ng Kagawaran ng Kalusugan ang siyudad.
“In the Philippines and the local government level, we’re following what the DOH has issued and the DOH has said that in high incident cases, ‘yong mga may COVID-19 surge [na lugar], ‘yong antigen test ang ginagamit lalo na kung walang RT-PCR o limited ang RT-PCR capability,” paliwanag ni Yap.
Matatandaang binigyang-diin ito ni NIATF Testing Czar Vince Dizon nang bumisita ang grupo sa Lalawigan ng Palawan noong nakaraang buwan.
“So, sa ngayon, ang susundin namin ‘yong ang sinabi ng DOH; hindi [naman] ‘yon sabi-sabi lang ni Sec. Vince Dizon [na] in-emphasize niya nang pumunta siya rito [noon].
Pero matagal na pong sinabi ng DOH ‘yan na kung COVID hotspot ang lugar at limitado ang capability sa RT-PCR, ‘yong antigen po talaga ang gagamitin,” dagdag pa ng LIATF Spokesperson at City Legal Officer.
Isa rin umano sa dahilan sa pagkonsidera sa antigen positive bilang confirmed positive ay para sa pagsasagawa ng contact tracing.
“And the study also shows that the antigen [test] is 80 percent accurate,” punto pa ng opisyal.
Susundin naman umano nila anuman ang ibababang kautusan ng Department of Health-CHD MIMAROPA kung sakaliman.
Sa pinakahuling tala ng IMT kahapon, Hunyo 22, ang antigen positive cases sa Lungsod ng Puerto Princesa ay 521 habang sa RT-PCR ay 94 o kabuuang 651 total COVID-19 active cases.
Discussion about this post