Unang inaresto ng Quezon PNP ang isang lalaki na wanted dahil sa kasong 3 counts of Statutory Rape by Sexual Assault sa Sitio Crasher, Barangay Malatgao noong Enero 13.
Kinilala ang suspek na si Ramil Gregas Busaing kilala din bilang “Ramel Grigas Busaing”, 35 anyos, laborer at residente sa Sitio Crasher, Barangay Malatgao, Quezon, Palawan. Kinakailangan makapagpiyansa ang suspek ng P200,000.00 bawat count.
Sa Brooke’s Point naman, arestado ng Municipal Police Station ang lalaki na sinampahan ng kaso sa ilalim ng Presidential Decree No. 705, section 77 na nagsasaad ng “Unlawful occupation or destruction of forest lands”.
Kinilala naman ito na si Ruel Gatusan Angkik, 30 anyos, may asawa, magsasaka, at residente sa Sitio Cabangaan, Barangay Samariָña, Brooke’s Point. P30,000 ang kinakailangan piyansa ni Angkik para sa pansamantalang kalayaan nito.
Samantala sa bayan naman ng Roxas, arestado din ang wanted person na si Orly Elijan Magbanua, 23 anyos, binata, grocery bagger, at residente sa Barangay Malcampo, Roxas, Palawan.
Sa ginawang joint operation ng Roxas Municipal Police Station, 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company (PPMFC), naaresto si Magbanua sa kasong paglabag ng Reckless Imprudence Resulting in Homicide Slight Physical Injuries and Damage to Property.
Kinakailangang magbayad ang suspek ng P60,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Sa ngayon, nasa piitan na ang tatlong naaresto ng awtoridad para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post