Nasa kustodiya na ng Puerto Princesa City Police Station 1 ang mag-ina na kinilalang sina Edith Scheer Marshall alyas “Edith” at Vierna Scheer alyas “Ayen/ Ai-Ai” matapos arestuhin dahil sa human trafficking.
Ayon sa ulat ng Puerto Princesa City Police Office, noong June 6, 2022, 03:50 ng hapon sa Malvar St., Brgy. Mandaragat, agad nagtungo ang mga operatiba ng Police Station 1, at City Intelligence Unit sa lugar bitbit ang warrant of arrest laban sa mag-ina na pirmado ni Judge Leah E. Delos Reyes Baguyo ng RTC Branch 48, Puerto Princesa City, Palawan na may petsang May 31, 2022 sa kasong pagkabag sa Anti Trafficking in Person Act of 2012, RA 10364 Qualified Trafficking in person under sec. 4, par. (a) and (e) of RA 10364 in rel tk sec.6 par. c of RA 9208.
Pahayag naman ni Police Captain Joy Catain de Castro Iquin, tagapagsalita ng PPCPO, na hindi sangkot sa illegal na drugs ang mag-ina.
Walang pyansang inirekomenda ang korte para sa kanilang kalayaan.
Sa ngayon nakapiit na ang mga ito sa Puerto Princesa City Police Office at nakatakdang ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Discussion about this post