Arestado ng Puerto Princesa City Police Station 1 ang isang lalaki sa WESCOM Road, Barangay San Miguel, Puerto Princesa, ika-6 ng Hunyo.
Kinilala ang suspek na si Alexander Sabillo, 47 anyos, karpintero at residente sa nasabing Barangay.
Inaresto si Sabillo sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Arlene Baguya Guillen ng RTC Branch 13, 4th Judicial Region, Puerto Princesa City, Palawan na may petsang Mayo 23, 2022. Sa kasong Statutory Rape under Paragraph (1)(D), Article. 266-A of the Revised Penal Code as Amended by RA 8353.
Walang pyansa sa kaso ng suspek at nakapiit ito sa Police Station 1.
Discussion about this post