Advertisement
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
ADVERTISEMENT
Home Police Report

Jovelyn Galleno case: tapos na ang isyu, gugulong na ang kaso

Claire S. Herrera-Guludah by Claire S. Herrera-Guludah
September 20, 2022
in Police Report
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Jovelyn Galleno case: tapos na ang isyu, gugulong na ang kaso

PDN Stock Photo

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Itinuturing na tapos na ang isyu dahil ganap nang tinuldukan ng mga otoridad mula sa National Bureau of Investigation Manila ang anumang mga espekulasyon, haka-haka at mga alegasyon ng maraming indibidwal na nag- aabang kada araw kung ano ang latest development sa kaso.

Kaugnay nito, nagbigay din ng “closure statement” ang pamilya Galleno, kalakip ang kanilang tauspusong pasasalamat sa mga otoridad na nagsikap upang maresolba ang kaso, kay Senador Raffy Tulfo na tumulong din upang magkaroon ng tuldok ang isyu, at mismong mamamayan ng Puerto Princesa, kasama na ang mga netizens mula sa iba’t- ibang panig ng loob at labas ng bansa, na tumugaygay sa usapin.

RelatedPosts

Menor de edad, patay matapos makasalpukan ang isang van sa Aborlan

Eight men arrested in Palawan for transporting P6.3-M smuggled cigarettes

Menor de edad na motorista, nasawi matapos maaksidente sa bayan ng Brooke’s Point; biktima, nasagasaan pa ng kapwa motorista

Ang naturang pahayag ay kanyang inilabas sa kanyang Facebook ganap na 9:36 pm, araw ng Lunes, ika-19 ng Setyembre.

ADVERTISEMENT

Saad ni Jonalyn Galleno, kapatid ni Jovelyn: “Hello everyone, we think that we’re responsible to give update and statement since we seek for your help to boost our post, update, and the reason why we are able to contact the national and local media. We would like to say thank you sa PNP for understanding sa paghingi namin ng 2nd opinion from the NBI manila, ginawa namin yon dahil narin naniniwala kami sa possibility na baka may chance na mabago ang resulta. “This would be the last and final statement from us the Galleno Family, we’re praying for y’all na magkaron narin kayo ng acceptance at samahan kami sa pabangon. Muli kami nagpapasalamat sainyo, Godbless everyone, Hindi man natin maunawaan sa ngayon bakit nangyare to, pero maniwala tayong sinamahan tayo ng Diyos simula umpisa hanggang dulo.”

Sa kabila na ang anumang resulta ng polygraph examination sa sinumang indibidwal ay hindi maaaring gamitin sa korte, ngunit kadalasang ito ay nagiging pamamaran ng mga otoridad upang gawin ang mga kaukulang istratehiya para sa ikareresolba ng isang kaso. Ang dalawang pangunahing suspects sa Galleno case ay magkasunod na isinailalim sa lie detector test ng mga kinauukulan mula sa NBI Manila sa kanilang lokal na  tanggapan sa lungsod ng Puerto Princesa. Unang isinalang sa lie detector test noong ika-14 ng Setyembre si Leobert Dasmariñas sa lie detector at ika-15 naman ng Setyembre si Jovert Valdestamon naman ang isinailalim  sa proseso.

Ayon kay NBI-Palawan Special Investigator III Cedric T. Caabay, gumawa sila ng kalatas kaugnay sa investigation report batay sa atas ng NBI Manila ng kung kaya’t isinalang sa lie detector test ang dalawang suspects sa umano’y pagpatay at panggagahasa kay Jovelyn Galleno. “From the beginning ng investigation at ang last na gagawin o (nagawa na) ay ang polygraph pagkatapos po yan ng polygraph, ay gagawa na (kami) ng report at isa-submit sa kanila (NBI Manila) bago ire- reveal ang lahat para isahan,” pahayag ni Caabay.

Samantala sa panayam ng PDN kay Jovert Valdestamon, nais niyang mapatunayan sa mga tao na wala siyang kinalaman sa nangyari kay Galleno. Inamin din nito na may galit siya kay Leobert Dasmariñas dahil sa pangyayari at wala pang nagaganap na anumang pag-uusap o pagkikita sa pagitan nilang dalawa matapos ang mga insidenteng kinasasangkutan.

Bilang karagdagan, tumanggi naman matapos ang  paghamon sa ere sa programa ni Senator Rafael “Idol Raffy” Tulfo na Wanted Sa Radyo, noong nakalipas na Huwebes, ika-15 ng Setyembre, na marapat ring sumailalim sa polygraph examination o lie detector test si City Information Officer – Richard Ligad at Police Major Noel Manalo, Station Commander ng Police Station 2, matapos silang parehong idinawit ni Leobert Dasmariñas sa kaso ng pagkawala ng working student na si Jovelyn Galleno.

Subalit, ayon naman kay CIO Ligad, siya ay tumatanggi nang isailalim pa sa lie detector test, at wala nang dahilan upang isailalim pa siya rito dahil lumabas na rin ang katotohanan at nagpositibong sa dalaga nga talaga ang kalansay na natagpuan, ayon sa dalawang DNA test na isinagawa ng PNP at NBI kamakailan. “Court of public opinion. Simula pa lang, durog na ako sa ibang lugar. Anhin ko pa yun? [lie detector test].” Dagdag pa niya, hindi na rin makakatulong sa imbestigasyon ang kalalabasan kahit pa raw na siya ay isailalim pa sa lie detector test.

Kinumpirma ni NBI Special Investigator III Cedric Caabay na bumagsak sa lie detector si Leobert Dasmariñas sa ginawa nilang pagsusuri noong September 14; dulot ng pagre-react umano ang machine nang sagutin ni Leobert ang tanong ng examiner kaya bumagsak ito.

Matatandaan na si Dasmariñas ang siyang umamin sa mga imbestigador ng PNP kapulisan na siyang gumahasa at pumatay sa kanyang sariling pinsan na si Jovelyn Galleno, 22-anyos, at isang working student na nakatira sa Purok Pulang Lupa, Brgy. Sta. Lourdes, at huling nakita noong ika-5 ng Agosto.

Si Dasmariñas rin ang siyang nagturo kung nasaan ang mga kagamitan ng dalaga matapos nitong gawin ang karumal-dumal na krimen. Una nang nakulong si Dasmariñas  dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang pinsan na si Jovert Valdestamon, ngunit nakapagpiyansa naman ito sa kasong naturan. Samantala, pasado o malinis ang ginawang lie detector test ni Jovert Valdestamon na sumailalim noong September 15.

Ang NBI Palawan ay nagdeklara na kamakailan na sa oras na mag-match o magpositibo na ang ginawang DNA test sa kalansay ni Jovelyn Galleno, ituturing nang “case closed” kung kaya’t ipinasa na sa Hall of Justice para sa paggulong ng usapin na kung saan, tamang hustisya ang hinihintay ng pamilya at ng sambayanan.

Share274Tweet172
ADVERTISEMENT
Previous Post

9 Bataraza Schools provided with Solar Power

Next Post

Pagsasagawa ng LTOPF caravan sa Puerto Princesa, isinusulong

Claire S. Herrera-Guludah

Claire S. Herrera-Guludah

Related Posts

Menor de edad, patay matapos makasalpukan ang isang van sa Aborlan
Police Report

Menor de edad, patay matapos makasalpukan ang isang van sa Aborlan

September 22, 2025
Eight men arrested in Palawan for transporting P6.3-M smuggled cigarettes
Police Report

Eight men arrested in Palawan for transporting P6.3-M smuggled cigarettes

September 10, 2025
Menor de edad na motorista, nasawi matapos maaksidente sa bayan ng Brooke’s Point; biktima, nasagasaan pa ng kapwa motorista
Police Report

Menor de edad na motorista, nasawi matapos maaksidente sa bayan ng Brooke’s Point; biktima, nasagasaan pa ng kapwa motorista

September 8, 2025
Motorista, sugatan matapos mabangga ng van
Police Report

Motorista, sugatan matapos mabangga ng van

August 29, 2025
Pampasaherong van, nadisgrasya sa kahabaan ng Brgy. Aramaywan
Police Report

Pampasaherong van, nadisgrasya sa kahabaan ng Brgy. Aramaywan

August 29, 2025
Motoristang galing sa inuman, patay matapos maaksidente sa Brgy. Ipilan
Police Report

Motoristang galing sa inuman, patay matapos maaksidente sa Brgy. Ipilan

August 21, 2025
Next Post
Pagsasagawa ng LTOPF caravan sa Puerto Princesa, isinusulong

Pagsasagawa ng LTOPF caravan sa Puerto Princesa, isinusulong

Pagbalik ng TESDA sa DOLE, umani ng positibong reaksyon

Pagbalik ng TESDA sa DOLE, umani ng positibong reaksyon

Discussion about this post

Latest News

Coastal vulnerabilities in West Philippines Sea shores

Coastal vulnerabilities in West Philippines Sea shores

September 22, 2025
Menor de edad, patay matapos makasalpukan ang isang van sa Aborlan

Menor de edad, patay matapos makasalpukan ang isang van sa Aborlan

September 22, 2025
Roxas LGU eyes opening their destinations to tourists by October 2025

Roxas LGU eyes opening their destinations to tourists by October 2025

September 21, 2025
765,991 tourists flock to Palawan in the first half of 2023

Palawan named among top global destinations by Condé Nast Traveler

September 21, 2025
Tradisyunal na paraan ng pagdiriwang ng Banal na Misa, simula nang nagbabalik sa Palawan ngayong linggo

Church spearheads prayer and indignation rally on September 21

September 21, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15105 shares
    Share 6042 Tweet 3776
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11459 shares
    Share 4584 Tweet 2865
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10281 shares
    Share 4112 Tweet 2570
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9684 shares
    Share 3873 Tweet 2421
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9311 shares
    Share 3724 Tweet 2328
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing