“Iba’t iba mang mga programa at proyekto ang nailunsad at naisagawa sa nakaraang isandaang araw, lahat ng ito ay upang mapagtibay ang tatlong pundasyon ng ating pagbangon – kalusugan, kabuhayan, at kapayapaan.” ani ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa pagkakatalaga sa bago nating pangulo nitong taon, kaliwa’t kanang batikos na ang pasaring ng mga oposisyon sa kanyang magiging administrasyon. Di nga naman maiaalis ang mga kuro-kuro na siyang batayan nila ng pagpapangalap ng mga maling ideolohiya laban sa ating gobyerno. Datapwat samut-saring ingay at pahayag ang gumugulo sa sosyedad, di pa rin maikukubli ang agarang mga programa at aksyon na naisagawa na siyang magiging pundasyon ng pagbabago sa lipunang nais makamit ng nakararami.
Ang Transformation Program sa ilalim ng Revised Armed Forces Modernization Act (RAFMA) na nakaprograma hanggang ngayon ay isa pa rin sa mga binibigyang prayoridad hanggang makamit ang ninanais na pagpapalakas ng ating sandatahang lakas. Ang pagpapatuloy ng programa ay suportado ng ating pangulo sa pamamagitan ng mga naipahayag na naprosesong mga procurement ng mg kagamitang militar na inaasahan ang maghahatid ng malalaking pagpapabago at pagpapaganap ng mga tungkulin ng Armed Forces of the Philippines upang magampanan ang kanilang misyon. Kabilang sa mga nakaprogramang nais bilhin umano ay ang combat utility helicopter, heavy-lift helicopter, mas malalaking unmanned aerial system, at advanced na kagamitan sa komunikasyon ayon sa mga naunang ulat. Samakatuwid, mapapalakas at mapapabilis ang mekanismo ng pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan kahit anumang oras ng hamon at pagkakataon.
Sa kabilang banda, nakapaloob din sa komprehensibong ekonomikong adyenda ay ang malawakan at agresibong pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran. Ang mga pagsisikap na kumbinsihin ang mga rebeldeng komunista na mapayapang bumalik sa mainstream society ay patuloy pa ring maisasakatuparan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Dahil dito, patuloy ang pagpapatupad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) upang mariing mahikayat ng ating gobyerno ang mga rebelde na magbalik-loob. Mapapadali ang mga hakbangin na tulungan ang ating mga kapatid na kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front at tuluyang magbalik- loob sa pamahalaan, makapiling na muli ang kanilang mahal sa buhay nang sa gayon ay makapamuhay ng mapayapa sa ating lipunan. Nadadagdagan na nga bawat buwan ang nagsisipagsuko at nabibigyan ng bagong buhay sa tulong ng immediate
assistance, livelihood assistance, serbisyo ng gobyerno, at serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng naturang programa.
Kaakibat ng pangulo sa lahat ng mga ito ang mga nagtutulungang ahensya at ang Philippine Air Force (PAF). Tuloy-tuloy ang PAF sa pagsuporta sa kampanya laban sa insurhensya at programang E-CLIP, maging sa pagtugon sa panahon ng kalamidad gamit ang mga bagong kagamitang nakamit mula sa RAFMA. Kasama ang PAF sa pagtugon at paglalatag ng mga inisyatibo ng gobyerno sa mas ligtas at mas maunlad na Pilipinas sa mga naunang isandaang araw sa gitna ng mapanghamong panahon. Ito ang pagtitibay sa pangakong modernisasyon at kapayapaan na ginawa at pinauusbong ng ating pangulo.
Discussion about this post