Magiging makulay at masigla na naman ang mga residente ng ilang barangay ng Puerto Princesa dahil na rin sa nakatakdang Tabuan sa Barangay na gaganapin sa Brgy. Inagawan Covered Gym sa darating na ika- 26 ng Enero 2023.
Sa naturang Tabuan sa barangay, maaaring makabenepisyo ang mamimili ng mga murang produkto mula sa ating mga magsasaka at mangingisda tulad ng mga prutas, gulay, isda at karne.
Bukod pa sa ilang mga malalaking establisiyemento na kung saan magdadala ang mga ito ng mga produkto katulad ng mga groceries na presyong bayan.
Sa naturan ding tabuan, magalak na inaanyayahan ang mga nagnanais na magtinda at kailangan lamang magpatala sa Barangay Hall ng Inagawan.
Inaasahang makakabenepisyo ang nabanggit na tabuan sa mga residente ng Kamuning, Inagawan, Inagawan Sub, at iba pa.
Ang nabanggit na tabuan ay tuwirang proyekto ni City Councilor Robert Elgin Damasco, kaagapay ang City Agriculture’s Office ng Puerto Princesa at lokal na pamahalaan.
Discussion about this post