Inaasahang ganap nang maipatutupad nang tuwiran sa mga susunod na panahon ang kapapasa lamang sa ikatlo’t huling pagbasa ng Kamara na panukalang batas na mag-aamyenda sa Right of Way Act (RA 10752).
Nabatid na ang naging resulta ng botohan sa plenaryo ay 239 na kongresista ang bumotong pabor sa House Bill 6571 na may layuning mapabilis ang pagbili sa mga propedad na madadaanan o mah”ahagip ng mga ipatutupad ng mga proyekto ng pamahalaan.
Isinasaad sa proposal na papayagan ang mga ahensya ng gobyerno na alukin ang may-ari ng apektadong ari-arian ng presyo batay sa market value o zonal value nito.
Habang ang Bureau of Internal Revenue (BIR) naman ang magsasapinal sa presyo ng propedad kasama na rito ang konsiderasyon sa sitwasyon ng ari-arian na nakapuwesto na sa bibilihing lupa, kasabay ng pagtaas sa posibilidad ng halaga ng mawawalang kita ng may-ari sakaling mabili na ito.
Sakaling napagkasunduan na ang bilihan at humantong na sa pirmadong deed of sale ng propedad, ang estado ay nakatakdang magbayad ng kaukulang halaga sa nagmay-ari ng lupa.
Ang nabanggit ding proposal ay nagsisiguro sa tuloy-tuloy na pagpapatupad ng pamahalaan ng mga proyektong pang-imprastraktura para sa kapakanan ng nakararaming mamamayan ng bansa.
Discussion about this post