Nagpasa ng isang resolusyon si Konsehal Jimmy Carbonell, Chairman on Peace and Order and Public Safety, na humihiling para sa karagdagang fire trucks sa lungsod ng Puerto Princesa City.
Sa ginanap na 17th regular session ng City Council ngayong Lunes, Abril 17, humihiling si Carbonell kay Secretary Benjamin C. Abalos Jr. ng Department of Interior and Local Government (DILG), sa pamamagitan ni Bureau of Fire (BFP) Director Louie S. Puracan, CEO Vl, na magprovide ng karagdagang fire trucks dahil sa kakulangan nito sa Puerto Princesa.
Sa ngayon, ayon kay Carbonell, ay tatlo lamang ang fire trucks na mayroon ang BFP ng lungsod, kung sakaling matutugunan ang resolusyon ay mas makakatulong ito sa agaran o mabilisang pag responde sa oras ng sakuna.
Agad naman itong naaprubahan ng nasabing committee, at hihintayin nalang ang tugon mula sa national.
Discussion about this post