Magagamit ito ng mga mamamayan maging ng mga turista para pagtapunan ng kanilang mga bitbit na basura. Pitong daan at isa (701) dito ay kayang masidlan ng 240 litrong basura habang tatlong daan at labimpito (317) naman ay kayang mapuno ng 660 litrong basura.
Hindi rin umano masasayang ang mga lumang basurahan na ayos pa dahil ito naman ay pansamantalang kukunin muna ng SWM para linisin at ayusin bago muling magamit.
Ayon kay CIO Richard Ligad, Program ManagerNg Solid Waste Management (SWM), malaking tulong ang mga bagong basurahan upang sa gayon ay mapanatili ang ganda at kalinisan ng lungsod.
“Mayroon tayong mga natatanggap na requests para sa mga basurahan sa kanilang lugar pero kailangan muna natin unahin iyong mga kailangan talaga. Gusto rin natin na madagdagan pa ang mga basurahang ganito kasi malaki talaga ang tulong nito para mabawasan nag kalat sa paligid at siyempre mapanatili ang ganda at linis ng siyudad natin,” pahayag ni Ligad.
Kinilala ang lungsod ng Puerto Princesa bilang isa sa pinakamalinis na lungsod sa buong bansa. Kaya naging malaking hamon sa pamahalaang panlungsod kung paano mapapanatili ang kalinisan ng kapaligiran gayong patuloy rin ang pagdami ng basura.
Discussion about this post