Mayroon nang tatlumpu’t isa (31) ang nasawi dahil sa mga kaso ng Dengue mula Enero 2023 hanggang sa kasalukuyang buwan, ayon sa ulat ng Provincial Health Office (PHO).
Ang bayan ng Taytay, Palawan ang pangunahing lugar na may pinakamaraming kaso ng dengue na umabot sa 1,079, kasunod ang Bataraza na may 425 at ang bayan ng Roxas na may 413, samantalang ang Brooke’s Point ay may 322 kaso.
Samantala, naitala rin ng PHO ang siyan (9) na barangay na mayroong pinakamataas na kaso ng nakamamatay na sakit kabilang na ang;
Barangay Poblacion, Taytay – 646
Barangay Rio Tuba, Bataraza – 256
Barangay Poblacion (Centro), Araceli – 129
Barangay Liminangcong, Taytay – 107
Barangay New Barbacan, Roxas – 83
Barangay Poblacion, Narra – 77
Barangay Pangoboliam, Brooke’s Point – 74
Barangay Port Barton, San Vicente – 66
Barangay lll (Poblacion), Roxas – 60
Naitala rin ang bilang ng mga nasawi sa dengue sa iba’t-ibang bayan ng Palawan:
Taytay – 13,
Bataraza – 5
Araceli – 5
Roxas – 2
El Nido – 2
Narra – 1
San Vicente – 1
Quezon – 1
Brooke’s Point – 1
Discussion about this post