Alinsunod sa mga Core Values ng PNP na “Pulis Makakalikasan,” noong Hulyo 13 ay nagsagawa ang mga tauhan ng CMFC Headquarters sa pamumuno ni PSSg Eric John B Junidil, Supply PNCO, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL Mervin Immaculata, OIC, ay nagpatupad ng Coastal Clean-Up activity kaugnay ng ika-28 na Buwan ng Police-Community Relations na may temang: “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan” na ginanap sa Brgy. Mangingisda, Puerto Princesa City.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong hikayatin ang komunidad na sumali sa pagkilos upang matukoy ang pinagmumulan ng basura at baguhin ang kanilang mga pag-uugali na sanhi ng polusyon.
Layunin rin nito na ipamalas sa mga lokal ang mga maraming benepisyo ng paglilinis ng lokal na mga dalampasigan, pagliligtas sa mga hayop sa karagatan, pangangalaga sa ating likas na yaman, pagpigil sa pagpasok ng nakalalasong kemikal sa tubig at tumulong sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng isang malinis na kapaligiran at isang ligtas na lugar na tirahan hindi lamang para sa tao kundi pati na rin sa mga hayop sa karagatan.
Discussion about this post