Aktibong nakiisa ang 7th Marine Company sa pangunguna ni Sgt. Leonardo A. Marfil PN(M), sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2023 sa Barangay Sowangan at Quinlogan sa bayan ng Quezon, Palawan noong Agosto 18. Nakiisa ang mga ito upang ipagdiwang ang pagmamahal at kahalagahan ng mga kabataan sa komunidad.
Isa sa mga mahahalagang bahagi ng pagdiriwang ay ang mensahe ni Sgt. Marfil, kung saan ipinaliwanag niya ang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pag-unlad ng ating bayan. Binigyan diin niya na ang mga kabataan ay ang mga tagapagdala ng pag-asa para sa kinabukasan ng bansa. Malaki rin ang kanilang kontribusyon sa pagpapalaganap ng malasakit sa kalikasan, na tumutugon sa temang “Green Skills for Youth: Patungo sa Isang Matatag na Mundo.”
Sa pangyayaring ito, naging malinaw ang mensahe ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng sektor ng lipunan upang palakasin ang mga kabataan sa kanilang mga adbokasiya at layunin, patungo sa isang mas maginhawang kinabukasan para sa ating lahat.
Discussion about this post