Huli ang dalawang bangkang pangisda na nagsasagawa umano ng ilegal sa katubigan ng Barangay Manamoc, Cuyo, Palawan noong Hunyo 17, bandang 11:30 ng umaga.
Sa ulat ng Palawan Police Provincial Office, noong Hunyo 17, 2024, ang mga tauhan ng Cuyo MPS kasama ang mga tauhan ng Magsaysay MPS at mga miyembro ng Bantay Palawan ay nagsagawa ng pinagsamang operasyong patrol sa dagat sa katubigan ng Brgy. Manamoc, Cuyo, Palawan.
Na-intercept ang bangkang pangisda na pinangalanang “DELBERT 1” na may makina ng 6D22 Mitsubishi habang ang mga nahuling lumabag ay sina Gregorio Arguelles Abong, kapitan ng bangka, 54 anyos, sakay ang 53 na mangingisda.
At ang bangkang pangisda na pinangalanang “DELBERT 3” na may makina ng 6D22 Mitsubishi habang ang mga nahuling lumabag si Tonitchie Can̄Ete, kapitan ng bangka, 48 anyos, sakay ang 60 na mangingisda.
Paglabag sa Municipal Ordinance No. 2021-1883 Isang ordinansang nag-aamyenda sa Article VIII ng Ordinance No. 2015-1520, Seksyon 58 (Paggamit ng pinong lambat sa pangingisda), Seksyon 70 (Pagbabawal sa Paggamit ng Compressor). Isang ordinansa na nagtatakda ng “Fisheries Code of the Municipality of Cuyo”
Samantala, ang mga nahuling mangingisda ay dinala sa Cuyo MPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Discussion about this post