Arestado sa isinagawang drug buy bust operation sa Barangay Tagpait, Aborlan, Palawan noong 12:10 ng tanghali Nobyembre 6, ang isang lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga.
Nahuli sa operasyon si alyas Elmar, isang tricycle driver at residente ng Brgy. Magsaysay, Palawan, matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Aborlan MPS kasama ang RDEU, Palawan PDEU, at PIU Palawan PPO. Ang poseur buyer ay nakabili ng isang (1) transparenteng plastik na heat-sealed sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na substansiya na pinaniniwalaang shabu mula sa suspek, na nagresulta sa kanyang agarang pagkaka-aresto.
Narekober mula sa kanyang pag-iingat, kontrol at pangangalaga ang mga sumusunod:
Limang (5) piraso ng heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na substansiya na pinaniniwalaang shabu
Isang (1) brown pouch na naglalaman ng pera
Isang (1) maliit na kahon (kulay pula)
Apat (4) na piraso ng P1,000.00 peso bill na tunay na pera
Dalawampung (20) piraso ng P1,000.00 na pekeng pera
Ang kabuuang timbang, kasama ang minarkahang papel tape, ng nakumpiskang droga kabilang ang nabili ay MOL 4.5 gramo at may halaga na PHP31,500.00.
Ang naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Aborlan MPS para sa kaukulang disposisyon.
Discussion about this post