Matagumpay na naisagawa ang unang Free Eye Check-Up ng Alagang Mata Program para sa taong ito. Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng El Nido, katuwang ang Precious Life Foundation, Inc. at ang Palawan Eye Center, nakapagbigay tayo ng libreng serbisyong medikal sa 182 residente ng El Nido, kabilang ang ating mga minamahal na Senior Citizens at Persons with Disabilities (PWDs). Bukod dito, nakinabang din ang 36 na senior citizens mula sa bayan ng Taytay.
Lubos naman pasasalamat ang LGU sa lahat ng nakilahok at tumulong upang maisakatuparan ang makabuluhang inisyatibong ito, partikular sa MSWD Office at OSCA, na nanguna sa aktibidad na ito.
Samantala, sa pangunguna ng Municipal Mayor, Edna Gacot-Lim, Municipal Vice Mayor, Luningning Llanera-Batoy, at lahat ng Sangguniang Bayan Members, matagumpay ding naipamahagi ang mga gillnets at hook and line sa 125 na mangingisda. Ang programang ito, sa ilalim ng 5%
Gender and Development (GAD) Fund, ay pinangunahan nina Municipal Agriculture Officer Mr. Hilarion Villareal at kanyang mga staff, kasama ang SB Committee Chair on Agriculture, Percival C. Austria, at Municipal GAD Focal Person, Mr. Jan Gibb C. Relata.
Hindi lamang ito isang simpleng pamamahagi ng kagamitan kundi isang hakbang upang mapaunlad ang kabuhayan ng ating mga mangingisda. Layunin ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng El Nido na tiyakin ang pantay na oportunidad para sa lahat, maging lalaki man o babae, at mapabuti ang kalidad ng kanilang buhay.
Discussion about this post