Kasabay ng pagbubukas ng Baragatan sa Palawan Festival 2018 bilang ng paggunita ng ika-116 na pagkakatatag ng gobyerno sibil ng Palawan ay inilunsad sa lalawigan ang proyetong Agribusiness Support for Promotion and Investment in Regional Exposition (ASPIRE) ng Department of Agriculture (DA).
Ang proyekto na inilunsad ngayong araw, ika-15 ng Hunyo ay pinangunahan ng DA katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI), Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.
Ayon kay DA-Regional Field Office Agribusiness Marketing Assistance Division Chief Nida M. San Juan, layon ng proyektong ito na mai-showcase ang mga champion commodities o mga produkto mula sa iba’t ibang lalawigan.
Ang mga champion commodities sa rehiyong MIMAROPA ay kalamansi, kasoy, saging, sibuyas, bawang, cacao, brown at organic black rice, white corn, baboy at kambing.
Layunin din ng proyekto na malinang ang kakayahan ng mga magsasaka, mangingisda at mga maliliit na magnenegosyo sa pagpapalago ng kanilang pangangalakal at ang pagpapakilala sa mga ito sa oportunidad na mayroon sa agrikultura gayundin ang mapalakas ang ugnayan ng pribadong sektor at mga ahensya ng pamahalaan.
Bahagi ng proyekto ang suporta sa produksyon, imbentaryo ng mga suplay, pagpaplano, pagpapalakas sa kakayahan ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng mentoring at tulong pagdating sa packaging at logistics ng mga produkto.
“We have production support, nandyan po ang profiling ng ating producers. Inventory of supply [para malaman] saan po may mga produkto sa ating lalawigan na ito pong mga produkto na ito ay available,” ani AMAD Chief San Juan.
“Production planning to meet the market demands. Pinaplano po namin kung kailan ito dapat itanim at kung kailan dapat i-harvest. Atin pong ika-capacitate sila through mentoring and coaching, facilitating promotion and other assistance like packaging and logistics.”
“Agribusiness investment and promotion through investment forum and business counseling– we have market promotion and development, product promotion during trade fairs and we have market matching and business to business meetings,” dagdag pa ni AMAD Chief San Juan.
Sa mensahe ni DA Assistant Secretary for Agribusiness Dr. Andrew B. Villacorta, sinabi niya ang kahalagahan ng kolaborasyon ng pamahalaan at pribadong sektor tungo sa pagpapaunlad pa ng indutriya ng agrikultura at fisheries.
“We’re happy that with this partnership among government and private sector industry groups and associations, we are able to collectively work towards the promotion of agriculture and fisheries,” pahayag ni Asec. Villacorta.
Dagdag pa niya na ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nangako sa pagkakaroon ng sapat at abot-kayang pagkain para sa lahat ng Pilipino.
“This can be achieved of course when all stakeholders in the food value chain will contribute and work in fulfilling this objective. As ASEC designate for agribusiness, we are now looking to ways and means to improve local production and effectively link farmers and fishers produce to markets thus reducing if not totally removing middle man for our farmers and fishers to enjoy better prices while providing affordable food to our stakeholders. Thus, we highly welcome tie-ups and more engagement with agribusiness private sector groups for effective market links and sharing of relevant market information,” pagtatapos ni Asec. Villacorta.
Kaugnay ng paglulunsad ng proyektong ASPIRE ay binuksan din ang mini-trade fair na matatagpuan sa mga booths na bahagi ng Baragatan sa Palawan Festival kung saan makikita ang mga pangunahing produkto ng bawat lalawigan sa MIMAROPA.
Ang naturang paglulunsad ay dinaluhan din nina G. Juan Martin G. Barredo, regional governor ng PCCI MIMAROPA, G. Rodolfo J. Marispoque, assistant regional executive director ng DTI MIMAROPA, Dir. Antonio G. Gerundio, regional executive director ng DA-RFO MIMAROPA at G. Ramon M. Policarpio, market specialist III ng DA – RFO MIMAROPA.
Discussion about this post