Kumpirmadong kanselado ang nakatakdang pagpupulong ng Board of Regents (BOR) ng Palawan State University sa ika-19 ng Hunyo sa kamaynilaan.
Ito ay matapos ang kumalat na mensahe mula kay Board of Regents Secretary Venzon Limpiada na ipinadala mula kay Ruel Capanzana, Executive Assistant ng Commission on Higher Education o CHED at BOR Chair- designate ng Palawan State University, Dr. Perfecto Alibin, kaugnay sa kanselasyon ng naka-schedule na BOR meeting.
“Notice of Cancellation/Postponement, Good day! Due to unstable blood pressure and present admission at the hospital for cardio monitoring of Comm. Perfecto A. Alibin, the Palawan State University and the Adiong Polytechnic State College Board meetings scheduled for June 19, 2018 will be cancelled/postponed and will be rescheduled for another date. For your information and guidance. Thank you. We pray for the speedy recovery and good health of Comm. Alibin. We will ask for another date of our BOR special meeting as soon as he is ready and able to attend to his duties as CHED Commissioner and Chair of our BOR.”
Taong 2016 pa matatandaang walang nauupong pangulo ang unibersidad at tanging sina Dr. Lorna Gelito noong 2016 hanggang 2017 at Prof. Marissa Pontillas mula 2017 hanggang sa kasalukuyan ang officers-in-charge na naupo sa PSU.
Hindi pa malinaw ang reschedule ng susunod na pagpupulong ng BOR kung saan isa sa limang kandidato na sina Dra. Gabilyn Orilla, Dra Sonia Bonagua Dr. Hanli Taha, Dr. Patrick Regoniel, at Dr. Ramon Docto ang pagpipilian bilang susunod na pangulo ng unibersidad para sa kasalakuyang panuruang taon.
Discussion about this post