Ibinalik ng tatlong indibidwal sa Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ang isang Asian Palm Civet (Paradoxurus hermaphroditus), na mas kilala bilang alamid, musang, o pasla, noong Setyembre 25.
Ayon kina Mike Kevin Cuya, Nonalle Aralar, at Norma Aralar, napansin nilang paulit-ulit na bumabalik sa kanilang kisame ang naturang musang, kaya agad nila itong hinuli at dinala sa ahensya upang mabigyan ng tamang pangangalaga.
Gayunpaman, mahalaga pa rin ang papel nito sa ecosystem, partikular sa pagpapalaganap ng mga buto ng mga punong namumunga.
Tiniyak ng PCSDS na nasa maayos na kalagayan ang civet cat kung saan nakatakda itong ibalik sa likas nitong tirahan sakaling makapagbigay na ng clearance ang in-house veterinarian ng ahensya.