Matagumpay ang ginawang Harvest Festival at Farm Visit ng City Agriculture Office sa pangunguna ni City Agriculturist Melissa U. Macasaet, Assistant City Agriculturist Enera A. Tuibeo, at mga empleyado ng sakahan ng broccoli, Chinese cabbage at snap beans.
Katuwang ang mga magsasakang sina Emma Sabado at Willy Macadangdang ng Barangay Inagawan na benepisyaryo ng Highland Vegetable Production Project.
Kabilang din sa beneficiaries ang mga magsasaka mula sa Kamuning Farmers Association, Inagawan Sub Farmers Association, Masikap Farmers Association, BALUGA at LOSYANG.
Kaya naman hinihikayat ng City Agriculture Office ang mga magsasaka na subukan ang pagtatanim ng mga nabanggit na gulay “Chop Suey” gamit ang sariling lokal na teknolohiya dahil karaniwang itinatanim ang mga ito sa matataas at may malalamig na klima ng bansa.
Layon ng proyektong ito ay mapalawak ang taniman ng gulay na kabilang sa “chop suey” upang atin pang mapataas ang ating sariling supply mula sa Lungsod.
Samantala, ipinakita naman ng City Agriculture Office sa pagdalo at pagpapakita ng patuloy na suporta ng mga opisyal na angkop ang teknolohiyang ginagamit sa pagsasaka at ang produkto nito ay ligtas.
Nagsagawa rin ang City Agriculture Office ng pesticide residue analysis para sa mga pestisidyo sa grupo ng carbamates at organophosphates. na nagsasabing ligtas kainin ang lahat ng mga gulay na naani.
Sa kabuuan, matagumpay ang nasabing aktibidad at nagbigay daan ito upang makita ng mga magsasaka ang opurtunidad sa pagtatanim ng mga highland vegetables para mas lalo pang ikauunlad ng agrikultura ng Lungsod.
Ang Highland Vegetable Production Project ay pinondohan ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa.
Discussion about this post