Nakakatuwang tanawin dahil punong puno ng mga sariwang gulay.
Ito ang makikita sa isinagawang pagbubukas ng trading activity para sa mga produktong gulay sa Puerto Princesa City Agriculture Office.
Kaugnay nito hinihimok ang lahat ng mga magsasaka at magtatanim ng gulay na nais magbenta ng kanilang mga produktong gulay na makipag-ugnayan sa Puerto Princesa City Agriculture Office na matatagpuan sa 3rd Floor New City Hall Building Sta Monica.
Ngayong araw naman ay naging masigla ang lahat nang ganap nang binuksan ang trading activity ng Puerto Princesa City Agri Trading Center (PPCATC) sa Barangay Irawan.
Magtatagal ang trading activity hanggang may produkto kasabay ng pagpapabatid ng mga presyo ng mga gulay na mabibili:
Talong P45/kilo
Kamatis P55/kilo
Pipino P25/kilo
Okra P50/kilo
Sitaw P60/bundle
Upo P30/kg
Alugbati P10/tali
Talbos ampalaya P10/tali
Gabi (for laing) P30/kilo
Saging P1/pc
Niyog P15/pc
Buko P15/pc
Repolyo P60/kilo
at marami pang iba.
Discussion about this post