Bilang pumapangalawang probinsya sa seaweeds production sa bansa, maaaring sumabay ang industriyang ito sa mga suportang ipinagkakaloob sa sektor ng turismo.
Ito ang ipinahayg ni Assistant Regional Director Roberto R. Abrera ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources- Mimaropa.
Ayon sa kanya, “ang aquaculture at tourism ay maaaring mag-coexist, kailangan lamang ng suporta sa mga opisyal ng pamahalaan, lokal na pamahalaan at mismong mga mamamayan ng isang lugar.”
Napag-alaman na 20% ng seaweeds production ay nagmumula sa lalawigan ng Palawan, isang malaking tulong para sa kabuhayan ng mga mangingisda lalo na kung hindi ang mga ito makapangisda.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagkakaloob ng mga proyekto ang DA- BFAR sa mga local na pamahalaan, katulad na lamang ng isinasagawa ngayong ice plant at cold storage sa islang bayan ng kalayaan.
Ang pondo ay ipinagkaloob ng DA- BFAR at ang pagpapatayo ay nasa ilalim ng pamahalaang lokal, habang minomonitor ito ng unang ahensiya kung nakakasunod sa tamang proseso at pamantayan.
Kaugnay ng bagay na ito, nagpahayag ng tiwala ang Presidente ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na si Rosendo So na makokontrol ng administrasyong Marcos ang presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain bilang tugon ng pamahalaan pagdating sa sector ng agrikultura sa pangkalahatan.
Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng ilang ng pangunahing bilihin, inaasahang magiging normal ang presyo nito sa mga susunod na panahon.
Sa kabuuan, maraming mga mamamayan ang positibo na aangat ang kabuhayan ng mga local producers upang makasabay sa pag-usad ng ekonomiya ng bansa.
Discussion about this post