Dalawang araw pagkatapos ng araw ng pagdiriwang ng Pasko, magsisimula na ang mandatory SIM card registration, batay sa ipinalabas na implementing rules ng SIM Registration Act ng National Telecommunications Commission (NTC).
Pangunahing nilalayon ng SIM card registration ang ganap nang mabawasan ang mga scam at iba pang krimen gamit ang cellphones o SIM cards.
Isinasaad sa implementing rules, lahat ng mobile subscribers ay kinakailangang iparehistro ang kanilang biniling SIM cards sa loob ng 180 days o 6 na buwan simula Disyembre 27 dahil kung hindi ay mai-deactivate ang mga ito. Kapag na- deactivate, maaari itong mai-reactivate subalit lilipas mula ito ng 5 araw.
Sa proseso ng pagpaparehistro, kinakailangan ng may-ari ng Sim card o nagpaparehistro na ibigay ang kanilang full name, birthday, gender, address at valid government ID o kaparehong dokumento na may litrato.
Para sa mga business users ay business name, business address at full name ng authorized signatory ang ibibigay tuwing magpaparehistro ng SIM.
Samantalang sa mga dayuhan o hindi filipino, ibibigay ng mga ito ang kanilang personal data maging ang passport information at address. Ang foreigners na may ibang uri ng visa ay maaaring makakuha ng SIM cards na walang 30-day validity period.
Yaon namang mga local o dayuhang turista ng bansa, sila ay maaari lamang magkaroon ng SIM card na maaari lamang gamitin sa loob ng 30 araw at mapapalawig lamang ito kasabay ng pagpapakita ng aprubadong visa extension.
Discussion about this post