Namahagi noong Setyembre 1 ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) ng 100 learner’s kits para sa mga napiling mag-aaral ng Brgy. Sicsican.
Kasama sa nasabing pagtitipon sina G. Raul Timbancaya, miyembro ng Board of Directors (BODs) mula sa District IV (Southern Barangays ng Puerto Princesa City), na kabilang sa distrito ng nasabing barangay. Kasama rin nila si G. Romeo Guinto, Chairperson ng District Electrification Committee ng nasabing distrito.
Bukod sa pagbibigay ng mga learner’s kit, nagkaroon din ng maikling talakayan hinggil sa mga usaping may kinalaman sa kooperatiba, tulad ng mga dahilan ng blackout, power family, at mga programa ng PALECO tulad ng libreng medical consultation. Nagkaroon rin ng pagkakataon para sa mga magulang na dumalo na magtanong tungkol dito.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mga programa ng PALECO bilang kanilang Corporate Social Responsibility.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga mag-aaral, magulang, at mga opisyal ng Brgy. Sicsican sa PALECO para sa kanilang tulong at pakikipagtulungan sa mga aktibidad na ito.
Discussion about this post