Nakiisa si Palawan Governor V. Dennis M. Socrates sa isinagawang donation ceremony ng 100 units ng chainsaw sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) Training Institute noong Hunyo 30, sa Barangay Irawan, lungsod ng Puerto Princesa.
Ang donasyon ay naglalayong suportahan ang mga lokal na ahensya ng Palawan kabilang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs), iba pang government agencies kabilang ang Bureau of Corrections, Civil Aviation Authority of the Philippines, KAAC, Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center, at PPUR Management, sa kanilang adbokasiya na maprotektahan ang kagubatan ng lalawigan.
Ang mga chainsaw na ito ay maglilingkod bilang mahalagang kasangkapan para sa mga proyektong pangkabuhayan at pangangasiwa ng mga gubat sa mga rehiyon na mayroong matatag na plano at regulasyon para sa sustainable logging.
Bilang tumatayong PCSD Chairman, sinabi ni Socrates sa kanyang pananalita, na marapat na katuwang ng mga ahensya at mamamayan any gobyerno sa paglulunsad ng mga proyekto at programang mahalaga para sa kalikasan at komunidad.
Discussion about this post