Nagdagdag ang Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ng mga contract tracers na makakatuwang ng Incident Management Team (IMT) sa mabilisang paghahanap at pagkilala sa mga pamilya at close contacts ng sinumang nagpositibo sa COVID-19 upang agad na ma-isolate ang mga ito.
Sinabi no Contact Tracing Czar, Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa pagbisita nito sa Lungsod na dapat palakasin ang contact tracing team [para] sa pagsugpo ng pagkalat ng COVID-19 at pagtaas ng bilang ng kaso nito noong mga nakalipas na buwan.
Ang paghahanda ay para rin umano sa banta ng Delta variant, matapos na kumpirmahin kamakailan ng Department of Health (DOH) na may local transmission sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 135 na contact tracers ang bumubuo sa Contact Tracing Team na pinamumunuan ni Dr. Ralph Marco Flores at nasa ilalim naman ng pangangasiwa ng IMT na pinamumunuan ni Dr. Dean Palanca bilang Incident Commander.
Ang mga contact tracers ang responsable sa paghahanap, pagtawag at pagpapaalam sa pamilya at mga indibidwal kung sila ay close contacts ng mga nag positibo sa Covid 19 virus. Sila din ang magpapaliwanag ng mga panuntunan at mga pag iingat na gagawin upang hindi na kumalat pa ang virus sa pamilya at komunidad.
Isa sa mga nagiging problema na kinakaharap ng mga contact tracers ay ang iilan na hindi nagbibigay ng tama at sapat na impormasyon ng mga nakasalamuha nito. Maging ang negatibong pananaw ng ibang mga residente at maling pananaw sa nasabing virus.
Discussion about this post