Tiniyak ng City Government na hindi maaapektuhan ang turismo ng syudad kasunod ng pagkakasuspende ng Sandigangbayan kay City Tourism Officer Ailyn Cynthia Amurao.
Ayon kay City Administrator Arnel Pedrosa, hindi naman nakadepende sa pinuno lang ng opisina ang tagumpay o pagkabigo nito.
“Kung makakaapekto sa turismo sa tingin ko naman hindi ang success o failure ng isang opisina ay hindi niya nakadepende sa department head o kung sinuman humawak niyan sa buong opisina yan,” sabi ni Pedrosa.
Maayos naman aniya ang hahalili sa kaniya na si Assitant City Tourism Officer Demetrio Alvior Jr na itinalaga na bilang Acting City Tourism Officer simula pa noong Sept 16, 2019.
Sinabi pa ni Pedrosa na bagama’t may konting pagbabago na mangyayari sa CTO tiwala siya na baka magiging matagumpay ito.
Matatandaang pinatawaan ng 90-day suspension ng Sandiganbayan Sixth Division si Amurao dahil sa paglabag sa Section 7 ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials dahil sa pagsolicit ng pera at iba pang pabor para sa diumano’y tourism activities sa lungsod noong February 2014 hanggang April 2014.
Discussion about this post