ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

2 lalaking trending dahil sa ‘modus’ na car show modeling, magsasampa ng reklamo

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
September 30, 2019
in Provincial News, Provincial News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
2 lalaking trending dahil sa ‘modus’ na car show modeling, magsasampa ng reklamo
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Trending ngayon sa Facebook ang dalawang lalaki matapos silang ireklamo ng isang netizen na nangangalang Smith John Kevin dahil umano sa “modus” ng dalawa na pag-imbita sa iba’t-ibang babae upang gawing model sa mga pekeng car/motor shows.

Tinukoy ni Smith ang mga pangalan ng dalawang lalaki bilang si Jayson Viray at Mil Pham sa kanyang Facebook post. Ang dalawa ay parehong residente ngayon ng Narra, Palawan.

RelatedPosts

Mga bagong halal na opisyales ng Tourism Office, pormal nang nanumpa sa harapan ni Gob. Alvarez

Limang kalalakihan, tiklo sa ilegal na tupada sa Puerto Princesa

Governor Amy Alvarez, Binisita si Mayor Bayron upang pag-usapan ang mga proyektong pang-kaunlaran

Ayon sa post ng netizen, muntik nang mabiktima ng dalawang lalaki ang nobya ng kanyang kaibigan matapos umano nilang imbitahan ang naturang babae upang magmodel sa isang car show na gaganapin sa Narra nitong Setyembre 29.

Ang pangalan ng magnobyo ay parehong itinago ni Smith.

Hayag ni Smith sa kanyang post, na-engganyo ang nobya ng kaibigan matapos alukin ni Viray at ni Pham ng P3,000 talent fee kung papayag siyang magmodel sa gaganapin na car/motor show.

Nagbiyahe ang mag-boyfriend sa Narra kahapon ng umaga, Setyembre 29.

Ngunit, inabot umano sila ng 7;00 PM sa kahihintay ng gaganapin na car show ngunit sa kanilang pagtataka ay walang naganap na car show sa naturang bayan.

Dagdag ni Smith sa kanyang post, puro alibi lang ang dinadahilan ng dalawa tungkol sa car show. Kapwa din umano silang kinabahan dahil nagpabili na ng isang case ng alak sina Viray at Pham.

Sa isang eksklusibong interview ng Palawan Daily News kay Jayson Viray nitong hapon, Setyembre 30, hayagang dineny ng inirereklamo na “modus” umano ang pag-iimbita nila sa mga babae upang gawing car/motor show models.

“Hindi yan totoo. Iba kasi ang nangyari,” anya Viray.

“Noong ininvite siya, hindi alam ni Mik na may boyfriend pala itong babae. Noong pagpunta niya, hindi siya napili kasi tiningnan din naman kung anong standard, kung matangkad ba o hindi. So hindi siya nakuha, tapos itong boyfriend niya hindi niya pala pinaalam na nagpunta siya rito,” dagdag ni Viray.

Nag-away umano ang dalawa na siya namang pinagsimulan ng gulo. Hayag ni Viray, ang nobyo din umano ng babae ang pinanghihinalaan nilang nag-post ng insidente sa Facebook kagabi.

“Away nilang dalawa ‘yun. Siya ang kusang pumunta dito. Kung siya matinong babae sasama pa ba siya sa iba diba?” giit ni Viray.

Hindi rin daw umano totoo na sinabi nilang may car show noong Setyembre 29, bagkus ang kanila daw ipinaalam sa babae ay gaganapin ang car show sa October 23 kasabay ng selebrasyon ng Palay Festival sa bayan ng Narra.

“Sa 23 pa, sa Palay Fest pa ang motor show. ‘Yung boyfriend niya nalang nag-imbento nung 29. Away nilang dalawa ‘yun. Labas kami kasi ang nangyari pa diyan, sumunod dito ‘yung boyfriend niya kahapon. Tinatawagan siya ng boyfriend niya noong umaga, hindi niya sinasagot. Pero nagkita din kami lahat,” anya Viray.

Ayon pa dito, kanila pang inimbitahan ang mag-nobyo sa kanilang tahanan upang maki-celebrate sa birthday ng isa nilang kamag-anak.

“Sumama ang loob noong boyfriend niya kasi hinanap siya, ayaw niya kasi sabihin na andun siya pero natunton din niya ‘yung bahay. Kung may ginawa kaming masama sakanya bakit pa namin patutuluyin sa bahay namin ‘yung boyfriend niya at yayayain maki-birthday?” anya Viray.

Inihayag ni Viray na sila ay handang ireport sa awtoridad ang nasabing post upang malinaw ang kanilang mga pangalan.

Tags: carshow modusNarrapalawan
Share103Tweet65
Previous Post

Mag-asawa, arestado dahil sa marijuana

Next Post

Amurao suspension, hindi makakaapekto sa City Tourism Office

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO
Provincial News

Mga bagong halal na opisyales ng Tourism Office, pormal nang nanumpa sa harapan ni Gob. Alvarez

July 10, 2025
Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO
Provincial News

Limang kalalakihan, tiklo sa ilegal na tupada sa Puerto Princesa

July 10, 2025
WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase
Provincial News

Governor Amy Alvarez, Binisita si Mayor Bayron upang pag-usapan ang mga proyektong pang-kaunlaran

July 9, 2025
WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase
Provincial News

Declog Drainage Canals: City Government urged Barangays, public

July 9, 2025
WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase
Provincial News

Mga Proyekto ng pamahalaang panlunsod, pinasinayaan ng

July 9, 2025
WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase
Provincial News

WPU, inilunsad ang proyektong ‘WPUmbrella’ ngayong pagbubukas ng klase

July 9, 2025
Next Post
Puerto Princesa, kinakapos ng accommodation dahil sa pagdagsa ng mga turista

Amurao suspension, hindi makakaapekto sa City Tourism Office

Pork products mula ASF-affected areas, bawal ipasok sa Puerto Princesa

Discussion about this post

Latest News

Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO

Magna Cum Laude, Made in the margins

July 10, 2025
Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO

Puerto Princesa mulls creation of flood control task force

July 10, 2025
Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO

Mga bagong halal na opisyales ng Tourism Office, pormal nang nanumpa sa harapan ni Gob. Alvarez

July 10, 2025
Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO

Limang kalalakihan, tiklo sa ilegal na tupada sa Puerto Princesa

July 10, 2025
Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO

Mga Munisipyo sa Palawan, nakatanggap ng tig-iisang bagong Patient Transport Vehicle Unit mula sa PCSO

July 10, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15002 shares
    Share 6001 Tweet 3751
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11214 shares
    Share 4486 Tweet 2804
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10265 shares
    Share 4106 Tweet 2566
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9648 shares
    Share 3859 Tweet 2412
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    8999 shares
    Share 3600 Tweet 2250
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us