Pormal nang naipagkaloob ng U.S Government ang anim na outboard engines sa pangunguna ni Chargé d’ Affaires (CDA) ad interim, U.S. Embassy in the Philippines Ms. Heather Variava, sa 2nd Special Operation Unit-Maritime Group noong Biyernes, March 25.
Kung matatandaan sampung taon na ang nakakalipas ay dati nang nagdonate ang United State ng outboard engines sa PNP-Maritime Group na ginagamit noon at ngayon ay luma na.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ricardo Dalmacia, Commander 2nd SOU-MG, malaking tulong sa kanila lalo na ang kanilang trabaho ay pagpapatrolya sa karagatan na nasasakupan ng Palawan.
Mabilis na rin makapagresponde lalo na ngayon ay kanilang pinaiigting ang pagbabantay sa karagatan.
Nagpapasalamat naman si CDA Variava sa PNP-Maritime Group, Philippine Coast Guard District Palawan, Armed Forces of the Philippines, sa mainit na pagtanggap sa kanya.
Aniya, ito ang kauna-unahang pagbisita niya sa Puerto Princesa City Palawan, at upang pormal na maipagkaloob sa PNP-Maritime ang mga motors na makakatulong upang mapanatili ang kaligtasan at maprotektahan ang Palawan.
“I’m finally here today the Maritime Police were honored to turnover some motors to help the Maritime Police to patrolling and the waters of Palawan, to make it safer and preserve the prosperity for the people of Palawan Philippines. It’s a great to be honored here and United State is friend partners to Philippines and I’m really proud I got to visit Palawan.”
Nasa labing walong outboard motors ang binigay ng U.S Government sa Pilipinas at apat sa mga ito ay ibinahagi sa 2nd Special Operations Unit in Honda Bay, Palawan na nagkakahalaga ng 31.5 milyon.
Discussion about this post