ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Antigen positive patients, sinimulan nang pauwiin sa kanilang mga tahanan dahil sa punuan na ang quarantine facilities

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
May 4, 2021
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Antigen positive patients, sinimulan nang pauwiin sa kanilang mga tahanan dahil sa punuan na ang quarantine facilities
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Hindi bababa sa limang Antigen positive patients o COVID probable ang naunang pinauwi na sa kanilang mga tahanan kamakailan upang magkaroon ng bakante ang mga quarantine facility ng Lungsod ng Puerto Princesa.

“Mayroon kaming pinauwi na antigen positives na asymptomatic. Kasi punong-puno na eh! [ang mga pasilidad natin]. Wala kang malalagyan [ng mga bagong dating na pasyente],” ayon kay City Incident Management Team (IMT) Commander Dr. Dean Palanca sa phone interview na aniya, sinimulan nila ito noong Sabado.

RelatedPosts

City ENRO expands i-Tree to protect urban green spaces

Palawan Capitol undergoes renovation to preserve history and enhance functionality

Ordinance to utilize idle lands for agri production pushed

Matatandaang sa naganap na pulong-balitaan na ipinatawag ni Mayor Lucilo Bayron noong Sabado kaugnay sa pagiging GCQ status ng siyudad ay nauna nang inanunsiyo ng opisyal na posibleng magpauwi sila ng antigen probable na walang sintomas o mayroon lamang mild symptoms ng araw ding iyon o Lunes.

Aniya, ito ang Plan B ng siyudad bunsod ng punuan na sa mga quarantine facilities simula pa noong nakaraang linggo. Sa kasalukuyan umano, kahit na may pinauuwi na ring mga COVID-19 positive na namalagi na ng 10 araw sa pasilidad at sa tatlong araw ay wala nang sintomas ay hindi pa rin ito nakaluwag sa mga pasilidad.

“Dahil nga itong mga lugar [natin] ay napupunaan talaga tayo hanggang dito sa ino-open [lang] natin na AA [Plaza] ay halos puno na rin araw-araw kasi may mga bagong patients na dumarating,” pahayag pa ni Dr. Palanca.

Karamihan naman umano sa nasabing mga antigen suspect ay mula sa urban barangay ng Lungsod ng Puerto Princesa.

“Pero kung sakaling magiging symptomatic ‘yan, kukunin namin [sila uli] at ibabalik namin sa quarantine facility,” paglilinaw naman ni Dr. Palanca.

Regular naman umano silang imo-monitor ng nurse ng IMT, katuwang ang BHERTS ng concerned barangay.

Ngunit nilinaw ni Dr. Palanca na kapag walang sariling kuwarto at palikuran ang uuwiang tahanan ng isang pasyente ay hindi naman siya pauuwiin at mamamalagi siya sa pasilidad ng siyudad hanggang sa makumpirmang wala siyang COVID-19.

Aniya, sa kabila ng mga hakbang para mabakante ang mga quarantine facilities, mas marami pa rin ang nadadagdag kaya punuan pa rin ang mga pasilidad. Kaya ang ginawa umano nila, kahit na hindi magkakapamilya, sa ngayon ay pinagsasama na ang mga positibo sa antigen tests

Aniya, nasa “tipping point” na ang Lungsod ng Puerto Princesa sa ngayon kaya kinakailangan nang gawin ang nasabing hakbang na ginagawa na rin umano sa Maynila bunsod ng pag-akyat ng kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, nagdagdag ng tao ang IMT ngunit kulang pa rin sila sapagkat marami umano ang umaatras kapag nalaman ang polisiya na hindi sila pwedeng basta na lamang uuwi sa pamilya upang hindi sila mahawaan at baka madala pa sa pasilidad ang virus.

Sa kabialng dako, ang Magarwak naman ay pinapuntahan na rin ng Alkalde dahil kailangan nang muling buksan para gamitin sa antigen test positives. Huling ginamit ang pasilidad mahigit isang linggo na ang nakararaaan at nakaalis na rin ang mga inilagak doong PDL.

Nakalulungkot man umano ngunit kailangan na lamang na mapagtagumpayan ngayon ang problema na sa pagsasalarawan ng mga kinauukulan ay “kritikal na” kaya kailangang gawin na lamang ang “pinaka the best na solusyon.”

Tags: Incident Management Team (IMT)
Share36Tweet22
Previous Post

City-wide ‘No movement Days,’ hiniling sa IATF-PPC

Next Post

Mga gamit na ninakaw sa isang eskwelahan sa Roxas, na-recover na ng pulisya

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

City ENRO expands i-Tree to protect urban green spaces
City News

City ENRO expands i-Tree to protect urban green spaces

June 22, 2024
Palawan Capitol undergoes renovation to preserve history and enhance functionality
City News

Palawan Capitol undergoes renovation to preserve history and enhance functionality

June 5, 2024
Idle lands
City News

Ordinance to utilize idle lands for agri production pushed

May 29, 2024
Green Justice Hall now in Puerto Princesa
City News

Green Justice Hall now in Puerto Princesa

May 16, 2024
‘Ugnayan sa barangay’ returns to serve 13 rural barangays in Puerto Princesa
City News

‘Ugnayan sa barangay’ returns to serve 13 rural barangays in Puerto Princesa

May 14, 2024
Barangay Mandaragat holds weekly coastal cleanup activity
City News

Barangay Mandaragat holds weekly coastal cleanup activity

May 7, 2024
Next Post
Mga gamit na ninakaw sa isang eskwelahan sa Roxas, na-recover na ng pulisya

Mga gamit na ninakaw sa isang eskwelahan sa Roxas, na-recover na ng pulisya

5.5 Sale for Moms at SM City Puerto Princesa

5.5 Sale for Moms at SM City Puerto Princesa

Discussion about this post

Latest News

Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Berong nickel mine’s path toward environmental recovery

May 30, 2025
Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Palawan municipalities placed on heightened alert amid nearby mpox cases

May 30, 2025
Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Feature: Taekwondo dreams take flight for palawan’s youngest national medalist

May 30, 2025
Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Pho sound alarm over mpox threat

May 30, 2025
Palawan emerges as strategic hub in kamandag 9 military exercise with u.s, s-korea and japan

Narra breaks ground on p52-million slaughterhouse

May 30, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    14964 shares
    Share 5986 Tweet 3741
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11169 shares
    Share 4468 Tweet 2792
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10258 shares
    Share 4103 Tweet 2565
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9633 shares
    Share 3853 Tweet 2408
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    8870 shares
    Share 3548 Tweet 2218
Palawan Daily News

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us