ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

Mga gamit na ninakaw sa isang eskwelahan sa Roxas, na-recover na ng pulisya

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
May 5, 2021
in Provincial News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Mga gamit na ninakaw sa isang eskwelahan sa Roxas, na-recover na ng pulisya
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Nakatago sa kasukalan nang ma-recover ng pulisya ang mga gamit na ninakaw mula sa Trinidad Cario Elementary School ng Sitio Linapawan, Brgy. Dumarao, Roxas Palawan.

Mga kagamitan kabilang na ang Audio mixer at AVR na nakatago sa sukalan.

“Isang area lang [ang pinaglagyan ng mga ninakaw na gamit]. Mga ilang metro ang layo sa bawat isa. Tinago [ang mga ito] sa mga damuhan malapit din lang sa bahay ng suspect,” ayon kay PMaj. Erwin Carandang, chief of police ng Roxas Municipal Police Station (MPS) sa pamamagitan ng chat message.

RelatedPosts

Aborlan becomes global stage for Balikatan 2026 Counter-Landing drills

New PWRCC head assumes post

Roxas LGU inks loan agreement with DBP for its priority projects

Ayon kay PMaj. Carandang, nakita kahapon, May 4, 2021, ng kanilang hanay ang nasabing mga kagamitan sa masukal na bahagi ng Brgy. New Barbacan matapos na itimbre sa kanila.

Ksama sa mga ninakaw na kagamitan mula sa nasabing paaralan noong Abril 29 ay ang dalawang Portable Gasoline Generator na nagkakahalaga ng P7,900 at P13,000; isang headphone na nagkakahalaga ng P1,200; Audio Mixer-P6,495; isang AVR 500 watts-P1,500);  pitong pirasong 2in1  HP brand Tablet Hewlet Packard–P20,000 at ilang piraso ring Safeguard.

Mga sabon na natangay din ng suspek na nakalagay pa sa supot ng plastic.
Dalawang Portable Gasoline Generator na nagkakahalaga ng P7,900 at P13,000

Sa spot report buhat sa Roxas MPS, nakasaad na matapos ang kanilang hot pursuit operation noong Mayo 3 ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isang concern citizen at may itinurong suspek na si Rico Aquino, 47 taong gulang at residente ng Brgy. New Barbacan, Roxas, Palawan.

Una umanong itinanggi ng suspek ang kanyang kinalaman sa krimen at tumanggi rin sa pagsasagawa ng voluntary search sa kanilang tahanan at sa halip ay humingi sa pulisya ng valid search warrant.

Ngunit kinabukasan ay muling nakatanggap ng impormasyon ang Roxas PNP mula sa isang concerned citizen na nakita niya umano mismo na inililipat ng suspek katuwang ang hindi pa kilalang indibidwal ang mga ninakaw na gamit patungo sa isang bakanteng lote na pagmamay-ari at kinu-cultivate din ni Anello sa bahagi ng Municipal Airstrip sa Brgy. Barbacan. Bunsod nito ay tinungo ng pulisya ang lugar matapos ang pakikipag-ugnayan sa barangay, at doon na tumambad ang mga nakaw na gamit.

Nang kausapin naman ng PNP ang suspek ukol sa naganap, inamin nito ang kinaroroonan ng iba pang nakaw na gamit kaya natunton ng mga awtoridad.

Nagpapasalamat naman ang hepe ng Roxas PNP sa mga taong tumulong at nagbigay ng impormasyon upang matukoy at maresolba ang nakawang nangyari.

“Ito ay pagpapatunay lamang na ang gusto ng mamamayan ng bayang ito ay isang matiwasay at tahimik na pamayanan,” ang post pa ni Carandang sa kanyang social media account ngayong araw.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Roxas PNP ang suspek, kabilang ang isang motorsiklo na ginamit umano sa naganap na pagnanakaw.

Kakaharapin naman ng suspek ang kasong “Robbery by Means of Force Upon Things.”

 

Tags: palawanPalawan DailyroxasRoxas MPSTrinidad Cario Elementary School
Share43Tweet27
ADVERTISEMENT
Previous Post

Antigen positive patients, sinimulan nang pauwiin sa kanilang mga tahanan dahil sa punuan na ang quarantine facilities

Next Post

5.5 Sale for Moms at SM City Puerto Princesa

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Aborlan becomes global stage for Balikatan 2026 Counter-Landing drills
Defense

Aborlan becomes global stage for Balikatan 2026 Counter-Landing drills

April 28, 2026
New PWRCC head assumes post
Government

New PWRCC head assumes post

April 24, 2026
Roxas LGU inks loan agreement with DBP for its priority projects
Provincial News

Roxas LGU inks loan agreement with DBP for its priority projects

April 23, 2026
BFAR distributes seaweed farm inputs to 200 fisherfolk in Roxas town
Provincial News

BFAR distributes seaweed farm inputs to 200 fisherfolk in Roxas town

April 22, 2026
Palawan commemorates 81st Liberation Day
Provincial News

Palawan commemorates 81st Liberation Day

April 22, 2026
NHA holds people’s caravan in Coron town
Provincial News

NHA holds people’s caravan in Coron town

April 21, 2026
Next Post
5.5 Sale for Moms at SM City Puerto Princesa

5.5 Sale for Moms at SM City Puerto Princesa

Home-Works for Mom from SM

Home-Works for Mom from SM

Discussion about this post

Latest News

Aborlan becomes global stage for Balikatan 2026 Counter-Landing drills

Aborlan becomes global stage for Balikatan 2026 Counter-Landing drills

April 28, 2026
City, PMHA establish mental health and wellness clinic

City, PMHA establish mental health and wellness clinic

April 24, 2026
New PWRCC head assumes post

New PWRCC head assumes post

April 24, 2026
City trains more staff in basic life support

City trains more staff in basic life support

April 23, 2026
Roxas LGU inks loan agreement with DBP for its priority projects

Roxas LGU inks loan agreement with DBP for its priority projects

April 23, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15256 shares
    Share 6102 Tweet 3814
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11710 shares
    Share 4684 Tweet 2928
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10301 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10087 shares
    Share 4035 Tweet 2522
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9746 shares
    Share 3898 Tweet 2436
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing