ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home National News

BSKE sa 2026, posibleng maudlot sa panukala ni Escudero

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
August 9, 2026
in National News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
BSKE sa 2026, posibleng maudlot sa panukala ni Escudero

Photo from Senate Social Media Unit

Share on FacebookShare on Twitter

RelatedPosts

Civil service for workers, elections for bosses

Senate backs social media restrictions for children under 18

Qualified solo parents to get full PhilHealth premium subsidy under new rules

Print Friendly, PDF & Email
Mahigit isang taon bago ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), muling nahaharap sa posibilidad ng pagpapaliban ang halalan matapos ihain ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang panukalang magpapahaba sa termino ng mga opisyal ng barangay at SK at ililipat ang susunod na botohan sa 2028.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2387, mula apat ay magiging limang taon ang termino ng mga halal na opisyal ng barangay at SK. Kung magiging batas ang panukala, hindi na matutuloy ang nakatakdang halalan sa Nobyembre 2026. Sa halip, isasagawa ito sa Nobyembre 2028 at susundan na ng eleksiyon kada limang taon.

Hindi ito ang unang pagkakataong binago ang iskedyul ng BSKE. Sa mga nakalipas na taon, ilang ulit nang ipinagpaliban ng Kongreso ang halalan, isang hakbang na paulit-ulit ding naging paksa ng mga usaping legal at debate tungkol sa karapatan ng mga botante na regular na pumili ng kanilang mga pinuno.

Iginiit ni Escudero na layunin ng panukala na mabigyan ng sapat na panahon ang mga opisyal upang maipatupad ang mga programang pangkaunlaran nang hindi naaabala ng madalas na paghahanda para sa halalan. Aniya, ang mas mahabang termino ay maaaring magbigay ng mas matatag na pamamahala at higit na pagpapatuloy sa mga proyekto sa antas ng barangay.

Kasabay nito, nakasaad sa panukala na awtomatikong hahaba ng dalawang taon ang termino ng mga kasalukuyang barangay at SK officials. Ituturing ang karagdagang panahong ito bilang bahagi ng kanilang kasalukuyang termino at hindi bilang panibagong panunungkulan.

Gayunman, hindi babaguhin ng panukala ang umiiral na term limits. Mananatiling hanggang tatlong magkakasunod na termino lamang ang maaaring pagsilbihan ng isang barangay official sa parehong posisyon, habang isang termino pa rin ang itinatakda para sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan.

Kung maisasabatas, hindi lamang haba ng panunungkulan ang mababago. Muli ring mababago ang kalendaryo ng lokal na halalan, isang usaping patuloy na sinusukat sa pagitan ng pangangailangan para sa tuloy-tuloy na pamamahala at ng karapatan ng mamamayan na regular na magpasya kung sino ang mamumuno sa kanilang komunidad.
Share10Tweet6
ADVERTISEMENT
Previous Post

Alvarez urges public not to fear Pax Silica project

Next Post

DENR-EMB, nagsagawa ng public hearing sa Brooke’s Point kaugnay sa kahilingan ng Ipilan Nickel na taasan ang taunang produksyon nito ng nickel ore

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

PPCPO walang naitalang insidente sa araw ng halalan
Government

Civil service for workers, elections for bosses

October 9, 2026
Senate backs social media restrictions for children under 18
National News

Senate backs social media restrictions for children under 18

October 9, 2026
₱60 billion in health funds to be restored to Philhealth, DBM confirms
National News

Qualified solo parents to get full PhilHealth premium subsidy under new rules

October 7, 2026
House bill seeks tougher animal cruelty penalties, new national welfare commission
National News

House bill seeks tougher animal cruelty penalties, new national welfare commission

October 7, 2026
Legazpi calls for stronger safeguards for student-athletes after Ateneo drowning tragedy
Government

Legazpi calls for stronger safeguards for student-athletes after Ateneo drowning tragedy

June 11, 2026
Philippine aircraft challenged as Chinese forces swarm disputed shoal
Maritime

Philippine aircraft challenged as Chinese forces swarm disputed shoal

March 24, 2026
Next Post
DENR-EMB, nagsagawa ng public hearing sa Brooke’s Point kaugnay sa kahilingan ng Ipilan Nickel na taasan ang taunang produksyon nito ng nickel ore

DENR-EMB, nagsagawa ng public hearing sa Brooke's Point kaugnay sa kahilingan ng Ipilan Nickel na taasan ang taunang produksyon nito ng nickel ore

Robotics and 3D printers handed over to Bataraza High School to boost STEM education

Robotics and 3D printers handed over to Bataraza High School to boost STEM education

Latest News

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

October 13, 2026
GCash, nakakatulong umano sa mga Pinoy na makatipid sa gitna ng inflation ayon sa isang financial advocate

GCash, nakakatulong umano sa mga Pinoy na makatipid sa gitna ng inflation ayon sa isang financial advocate

October 13, 2026
CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

October 10, 2026
PPCPO walang naitalang insidente sa araw ng halalan

Civil service for workers, elections for bosses

October 9, 2026
Senate backs social media restrictions for children under 18

Senate backs social media restrictions for children under 18

October 9, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15296 shares
    Share 6118 Tweet 3824
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11848 shares
    Share 4739 Tweet 2962
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10333 shares
    Share 4133 Tweet 2583
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10306 shares
    Share 4122 Tweet 2577
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9767 shares
    Share 3906 Tweet 2442
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us