Wala nang naisalbang mga gamit nang matupok ng apoy ang apat na kabahayan sa Sampaloc Road, Brgy. San Jose nitong hapon ng Setyembre 21.
Ayon sa isa sa mga nasunugan na si Rolando Jallorin, nag-umpisa ang apoy nang bumalik ang kuryente matapos ang scheduled outage ng PALECO at kumislap umano ang transformers nito na naging sanhi ng sunog.
Yari sa light materials ang mga bahay kaya mabilis na kumalat ang sunog.
Ayon sa isa sa mga residente ng nasunog na bahay na si Jun Boraez, umalis silang magaanak para maligo sa isang malapit na pool resort kaya walang tao sa mga bahay nang sumiklab ang apoy.
Sa panayam ng Palawan Daily News kay FO1 Erwin Tabang , 6:21 ng gabi nang ideklarang fire out ang sunog na umabot sa unang alarma.
Discussion about this post