Binuksan na ng City Tourism Office sa pangunguna ni City Tourism Officer Ailyn Cynthia Amurao noong Setyembre 19 ng gabi ang bagong tourist destination dito sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon kay City Tourism Office Senior Operations Officer and Promotions Marketing Chief Michie Meneses ito ay ang Salvacion Eco-Tour sa Bgy Salvacion na matatagpuan sa norteng bahagi ng Puerto Princesa kung saan maaaring mag-firefly watching sa Nagsaguipi River.
“More or less 130 meters ng Nagsaguipi River po puwede mag-firefly watching,” ani Meneses.
Ang Salvacion Eco-Tour ay isang community-based sustainable tourism project kung saan ang mga mamamayan sa kumunidad ang mamahala nito.
Sa pamamagitan umano nito ay madadagagan ang kita ng mga nakatira sa lugar lalo na kapag dumagsa na ang mga turistang nais makakita ng mga firefly.
Samantala, sinabi naman ni CTO Assistant Tourism Officer Demetrio Alvior, Jr., siya ay natutuwa dahil na nadagdagan na naman ang tourist destination sa Lungsod na siyang nais ng Alkalde ng syudad at ito ay malaki ang maitutulong sa turismo sa syudad.
“Naiiba siya dahil makikita dito ang evolution ng firefly mula sa itlog,” dagdag pa ni Alvior.
Maliban sa firefly watching maganda rin daw na magkayak sa Nagsaguipi River at malapit pa sa kabayanan.
Samantala, sinabi naman ni dating konsehal at ngayong executive assistant IV Modesto “Jonjie” Rodriguez III na dahil ang bagong tourist destination ay sakop ng mini-city hall na kaniyang pinamumunuan ay bibiyan ng sapat na mga kagamitan para ito ay matapos na agad.
“Dahil ito ay sakop ng ating mini-city hall ay provided with all necessary equipments para matapos na kaagad bilang suporta sa pag open ng karagdagang tourist destination na ito,” giit pa niya.
Tiniyak rin ni Rodriguez na lahat ng mga bubuksang tourist destination ng City Tourism Office at Barangay na sakop ng mini-city hall ay kaniyang susuportahan.
Nagpasalamat naman si Enger Purizima Labutoy, pangulo ng Community-Based Sustainable Tourism, dahil sa wakas ay nabuksan na ang kanilang proyektong Nagsagupi firefly-watching sa pamamagitan rin ng kanilang asosasyon.
Kaugnay nito ay hinikayat naman ng CTO ang mga local at foreign tourists na pasyalan ang bagong tourist destination dito sa siyudad.
Discussion about this post