Nakapagtala ng pinakamaraming botante sa Lungsod ng Puerto Princesa para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election, at ang Barangay San Miguel ang nangunguna.
Ayon sa datos ng Commission on Election o COMELEC, mayroong 10,720 na rehistradong botante para sa Barangay election sa Barangay San Miguel. Habang para sa Sangguniang Kabataan, may 3,066 na botante.
Sumusunod dito ang Barangay San Pedro na may 10,530 na botante para sa Barangay election, at 3,032 naman para sa Sangguniang Kabataan. Sa pangatlo naman, ang Barangay Sta. Monica ay may 10,266 na rehistradong botante para sa Barangay election, at 3,377 para sa Sangguniang Kabataan.
Ayon pa sa pahayag ng COMELEC, ang mga botanteng nasa edad 15-17 ay bibigyan ng isang balota para sa Sangguniang Kabataan election. Sa mga nasa edad 18-30, may isang balota para sa Sangguniang Kabataan at isa pang balota para sa Barangay election. Samantalang, para sa mga 31 taong gulang pataas, Barangay election lamang ang kanilang botahan.
Sa kabuuan, mayroong 170,253 na rehistradong botante para sa Barangay Election sa buong Lungsod ng Puerto Princesa, at mayroong 56,517 na botante para sa Sangguniang Kabataan.
Discussion about this post