Ibinahagi ng Puerto Princesa City COVID-19 Vaccination Council (PPC-COVAC) ang bilang ng mga nabakuhan sa kanilang isinasagawang vaccination roll out sa City Coliseum.
Base sa inilabas na record ng PPC-COVAC noong April 21, 2021, 251 ang tapos na sa kinakailangan na 2nd dose (Sinovac) ng bakuna, 916 ang kabuuang nabigyan ng 1st dose mula sa SINOVAC habang 1,379 naman ang 1st dose ng AstraZeneca.
Ayon kay Dr. Ricardo Panganiban, Chairman ng PPC-COVAC tapos na sila nang pagbabakuna sa mga heath worker sa lungsod at nagsisimula nang vaccination sa mga Senior Citizens na kabilang sa‘A2 priority’ ng Department of Health.
“Oo, nalampasan na namin [ang A1], mayroon pa natitira siguro na hindi pa nagpapabigay [ay] hindi na namin sila hihintayin,”
Dagdag pa ni Dr. Panganiban, ang bilis ng kanilang vaccination roll out ay naka base sa dami ng mga dumadating na bakuna mula sa national.
“Problema natin sa vaccine, kahit naman gusto namin tapusin na ngayong linggo kaso ang bakuna naming 5 peraso [na] lang. Paano naming tataposin yun? Depende po yun sa dating ng mga bakuna.”
Samantala sa inilabas na Resolution No. 30 ng Local Inter-Agency Task Force (LIATF) pinahihintulutan ang mga tao naka-shedule na pupunta sa City Coliseum para magpabakuna kahit mula ang mga ito sa mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine.
Discussion about this post