Inanunsyo ni Mayor Lucilo R. Bayron, sa flag raising ceremony ng Puerto Princesa City Government kaninang umaga, Pebrero 1, 2021 na makikipag pulong ito sa Provincial COMELEC upang talakayin ang magaganap sa darating na plebisito kaugnay ng paghahati ng Palawan sa tatlong probinsiya sa Marso 13, 2021.
Ayon sa alkalde, sa pamamagitan ng zoom meeting ay kakausapin niya at ni City Administrator Atty. Arnel Pedrosa ang Provincial COMELEC dahil baka sa lungsod ng Puerto Princesa gagawin ang bilangan ng boto para sa plebisito.
“Zoom meeting with Palawan COMELEC dahil magkakaroon ng epekto sa atin itong plebisito, dahil dadalahin dito ata yung mga results niyan ng mga municipalities, dito bibilangin. So, baka may mga restrictions sa Puerto Princesa. So malalaman natin mamaya.”
Ano man daw ang magiging resulta ng pagpupulong ay plano ng Pamahalaang Panlungsod na magsagawa ng Education Campaign sa mga empleyado ng Puerto Princesa upang malaman ng mga ito ang kanilang gagawin sa araw ng plebisito at kung ano ang kanilang magiging trabaho.
Discussion about this post