6 na pakete na umano’y marijuana ang nakumpiska sa isang lalaki ng magwala ito dahil sa kalasingan noong Mayo 14, 2022.
Ayon sa report ng Puerto Princesa Police Office, agad na pinuntahan ng mga Barangay Tanod ang lalaki na kinalala na si John Carlo Navarro Valdez, 24 anyos, residente ng Purok Matapat, Puerto Princesa at agad na inaresto ang suspek.
Nakuha sa arestado ang isang pouch na may laman na anim na pakete na pinaghihinalaang marijuana.
Sinampahan ng kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya na ng awtoridad.
Discussion about this post