Bumuhos ang suporta at papuri ng ilang kabaranggay ng mga kandidata ng Bb. Sexsi Coronation night sa Puerto Princesa City Coliseum nitong Martes, March 2, 2021 na pinangunahan ni City Mayor Lucilo Bayron.
Unang pinangalanan ang top 8, kabilang ang kinatawan ng Barangay Masipag, Bacungan, Sta. Lourdes, Manalo, Mandaragat, San Pedro, Tiniguiban at Macarascas.
Kanya-kanya namang paraan ng pagsuporta ang kani-kanilang mga pamilya at kabaranggay na hindi nagpatinag sa pagsigaw at palakpak. Mayroon ding nagdala ng mga tambol na niyanig ang coronation night.
Kironahan bilang 2nd runner up ang representante ng Bgy. Masipag na si Mary Justine Anne Lucero, siya rin ang nag-uwi ng best in Long Gown. 1st runner up naman ang kinatawan ng Bgy. Tiniguiban na si Rowena Diaz. Humakot naman ng parangal ang nakasungkit ng korona ng Binibining Sexsi na si Jean Mae Cosilit na representante ng Bgy. Bacungan. Kabilang sa kanyang mga napanalunan ang Miss Photogenic at Best in Talent.
Labis naman ang kasiyahan ng kanyang mga taga-suporta sa kanyang mga naiuwing karangalan na bunga ng kanyang husay, determinasyon at pagpupunyagi.
Discussion about this post