Isang boarding house na gawa sa light materials ang nasunog sa Barangay San Miguel, Puerto Princesa City ngayong gabi lamang, Setyembre 15.
Nag-umpisa umano ang sunog mga bandang 9:30 at nadeklarang fire-out bandang alas-diyes ng gabi.
Ayon kay Barangay Kagawad Merlita Acosta, pagmamay-ari ni Nancy Macatangay ang nasabing boarding house na mayroong humigit kumulang mga 12 na boarders.
Di rin masasabi ni Susana Ariola, kapatid ni Nancy kung may permit o wala ang nasabing boarding house.
Sa kabutihang palad, wala namang nasugatan o nasunog sa nangyaring insidente.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng nasabing sunog.
Discussion about this post