Bubusisiin ng bumubuo ng committee on health ng Sangguniang Pangungsod ang proseso at pamamaraan ng mga indibidwal na nagpapasok ng pasyente sa mga pagamutan.
Ang komite na pinangungunahan ni Konsehal Raine Bayron at Konsehal Jonjie Rodriguez bilang vice chairman, ay nagnanais na malaman ang status ng mga pasyente na nagpapagamot sa kanila.
Ito ay resulta ng isinagawanga committee hearing kamakailan makaraang may isang kababayan ang nagparating ng concern kaugnay sa naging karanasan ng kanilang kaanak na binawian ng buhay dahil kinakailangan munang makunan ng antigen test at hintayin ang resulta bago magamot sa kabila na ito ay isang emergency kung kaya’t sa kasamaang palad, yumao ang pasyente.
Ayon Kay Konsehal Rodriguez, kailangang mabatid sa mga namumuno sa mga ospital ang kanilang proseso o protocols at kasama na rin dito ang kanyang gagawing paghiling na i-modify ang nabanggit na pamamaraan.
Ayon kay Rodriguez, “Merong insidente na nangyari sa isang (private) hospital na kung saan dumating ang pasyente doon bilang emergency nguni’t nirequire ang antigen test. Matagal..bago lumabas yung resulta, so ang nangyari sa kasamaang palad binawian ng buhay yung tao. Bukod dito, mayroon pang ilang mga insidente na ipinarating na maaari rin nating ibilang sa kaparehas na kaganapan.”
Sinabi ni Rodriguez, nakausap na niya ang pamunuan ng City Health, at nagsabi itong maaaring i-modify ang mga kahalintulad na protocol sa pagpapapasok sa mga pasyente sa alinmang pagamutan.
Sinabi ni Rodriguez…” Kinausap natin ang City Health Office kung ano ba ang pwedeng gawin dito, at kanilang recommendations is for us na magpasa ng resolution na kung saan irerequest natin itong mga Ospital na i-modify nila yung kanilang ipinatutupad na protocols tungkol dyan, kasi sa ngayon ang umiiral na protocols sa kanila with regard doon sa CoVid protection e yung sinauna parin yung dati na kung saan e sabihin na natin malalapa (noon) ang sitwasyon ng CoVid. Ang gusto natin lahat pero hindi man tayo doctor pero kahit man lang sana emergency, batay sa naging karanasan ng mga pasyente na nagpunta sa Ospital isang oras bago lumabas ang resulta, hindi umano ganun kadali na lumabas ang resulta, itong nangyaring insedente ganun katagal ung inantay bago siya magamot namatay na yung pasyente.”
Bukod dito, ninanais din mapag-alaman ni Rodriguez kung mayroon ba talagang bayarin sa pagpapa-antigen, at inirekomenda nito na sa City Health na lamang gawin yaon, dahil ito ay libre lamang at malaking tulong sa sinumang pasyente lalo na kung ito ay kapos sa kanilang buhay.
Discussion about this post