Umaabot sa P3,000 ang naipamili ng dalawang riders na sina Ed Lourence Salazar at Isabel Conde dahil sa umano’y order ng kliyente na hindi na binanggit pa ang pangalan.
Mahigit isang oras silang naghintay para sana mabayaran ang inuutos na pinamili sa grocery ngunit nag-alibi ito na nagkaproblema at hindi na makontak.
Nanawagan si Pat Aquino, boss ng dalawang riders, na mabawi man lang ng mga riders ang pera na pinamili nila dahil sa hindi na kayang bayaran ng kliyente na ‘di umano ay taga-Malvar Street at nagkaroon din daw umano ito ng problema.
“Baka po may gusto mag buy ng mga items po below. I FREE DELIVERY ko na lang po sa inyo. Mabawi lang ung puhunan ng mga riders,” saad ni Aquino.
“Client informed us na wala pala siya pambayad kasi nagkapoblema bigla though nag insist ako na we can negotiate kasi kung ano man naging problem nya we can talk naman and sort things out kaso di na makontak,” dagdag pa nito. “Di ko rin siya masisisi kung biglang nagkapoblema siya sa pambayad kaso ayaw na makipag usap kaya ibebenta nalang namin po sa willing kumuha.”
Ayon naman kay Ed Lourence Salazar, isa sa dalawang riders, matagal silang pinaghintay ng nasabing scammer at habang tinatawagan niya ay hindi na sumasagot.
“Tagal po kasi naming naghintay sa destinasyon na ibinigay ng aming client sabay umasa nalang po ako sa wala. May mapa po kasi kami na ibinibigay na address ng aming client tapos nagdating na po ako sa destinasyon ko po wala pong ni hoy ni hi sa mga tawag at text ko po. Tagal po kasi naming nag hintay sa destinasyon na ibinigay ng aming client sabay umasa nalang po ako sa wala,” salaysay ni Salazar.
Samantala sa tulong ng kanilang boss na si Pat Aquino ay may nakabili ng mga grocery at nakauwi na sa pamilya na may dalang paggastos.
Discussion about this post