ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Dating tagapagsalita ng Kapitolyo Rolando Bonoan naniwalang hindi napapanahon ang paghahati ng Palawan sa 3 probinsya

Evo Joel Contrivida by Evo Joel Contrivida
February 17, 2021
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Dating tagapagsalita ng Kapitolyo Rolando Bonoan naniwalang hindi napapanahon ang paghahati ng Palawan sa 3 probinsya
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Naniniwala ang dating tagapagsalita ng Kapitolyo ng Palawan at dating Board Member na si Rolando Bonoan Jr. na hindi akma sa panahon ngayon ang pagsulong sa paghahati ng lalawigan sa tatlong probinsiya. Sayang umano ang pondo para sa plebisito na magagamit pa sana sa mas makabuluhang bagay, gaya ng pagbili ng vaccine ngayong may pandemya.

Ayon kay Bonoan, sa kanyang karanasan sa pagsilbi sa nakaraang tatlong Gobernador ng Palawan, hindi naging usapin ang laki ng Palawan para pamunuan ito.

RelatedPosts

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

Nineteen days before the bullet

SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

“Wala namang masama kung ma-divide ang isang probinsya kung talagang kinakailangan, pero para sa akin kasi hindi ito ang tamang panahon. Sa akin, to be honest with it, iba kasi ang pananaw ko sa intension ng pag-divide sa kanya. Alam mo, I worked with 3 Governors from Gov. Badong Socrates, Gov. Joel Reyes and Gov. Baham Mitra. Yung laki ng probinsiya, yung pag-govern ng Palawan, was never been an issue. Pag-govern ng Palawan ng isang Gobernador has never been an issue. The lingering issue there is the lack of funds to provide for the development programs & projects na kinakailangan ng mga kababayan natin sa iba’t ibang munisipyo,” Ani Bonoan.

Sa panayam kamakailan ng Story Café dito sa Palawan Daily News, idinetalye ni Bonoan na hindi rin totoo na agad lalaki ang magiging taunang Internal Revenue Allotment ng Palawan. May sinusunod kasi na alituntunin ang bawat pondong ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan. At kung hahatiin ito sa tatlong probinsya, mas magdudulot ito ng kakulangan sa maraming serbisyo ng bawat pamahalaan.

“If we check with the Provincial Treasurers office, the province is still highly dependent on the revenue allotment, 90% dependent, now ibig sabihin kapag dinivide mo ang IRA na to sa 3 probinsya mas liliit ito, hindi naman siya lalaki kaagad kasi ang IRA meron siyang formula na hanggang ngayon yun pa rin ang formula which is the population, land area and equal distribution, yun ang formula sa pagkwenta ng IRA na pupunta sa isang syudad, munisipyo at barangay,” Dagdag ni Bonoan.

Kumbinsido si Bonoan mas maraming bagay ang dapat pagtuunan ng pansin kesa ang plebisito. Mahalaga rin umano na ipaalam sa publiko ang totoong dahilan kung bakit isinusulong ito ngayon, ngunit nilinaw niyang personal niya itong pananaw.

“Hindi ko sinasabing mali ang naisip ng ating mga leaders, maybe may nakikita silang bagay kaya pinush nila yan. Pero sa akin, I don’t believe it’s the right time to do it, hindi sa ngayon especially with the kind of situation that we have. Bagsak ang national economy natin, tapos maraming tao ang walang trabaho, yung pera para sa plebisito puwede pa sanang magamit pambili ng vaccine muna, siguraduhin muna natin na hindi magkaroon ng COVID ang mga kababayan natin and later on pag usapan yan,” ani Bonoan.
Umapela rin si Bonoan sa lahat ng Palaweño na boboto sa plebisito na nawa ay pakinggan ang mga nagpapahayag ng pagtutol sa plebisito kahit ito ay mga taga-Puerto Princesa at walang karapatan bumoto.

“Unfortunately karamihan ng nangangampanya for No ay mga taga-Puerto Princesa based. Pagdating mo sa mga munisipyo ang sasabihin lang nila, eh bakit nyo papakinggan yan eh hindi naman kasama sa atin yan? Ba’t sila magde-decide para sa atin? Pero sana pakinggan din natin kasi itong mga taga-Puerto Princesa bases na ito kahit hindi ito boboto dahil hindi sila qualified bumoto, pero may nakikita sila out of their concern being Palaweno. Kaya sinasabi nila na wag muna, pakinggan natin at balansehin natin. Very very important ito kaya kailangan maging tama ang ating desisyon, at sana maging malaya ang ating mga kababayan sa pagpili kung sila ba ay aayon o kokontra sa paghati ng ating probinsya,” Paliwanag ni Bonoan.

Tags: Rolando Bonoan Jr.tagapagsalita ng Kapitolyo ng Palawan
Share240Tweet150
ADVERTISEMENT
Previous Post

Pagbuo ng Multi-Sector Task Force laban sa pagtaas ng teenage pregnancy sa Palawan, Isinusulong

Next Post

One palawan movement at 3 in 1 may kanya-kanyang paraan ng pangangampanya sa plebisito

Evo Joel Contrivida

Evo Joel Contrivida

Related Posts

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony
City News

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

March 5, 2026
Airport chief gunned down on Ash Wednesday ambush
City News

Nineteen days before the bullet

March 2, 2026
SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation
City News

SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

March 2, 2026
Granada at baril, kabilang sa mga narekober sa u-box ng motorsiklo na hinihinalang gamit ng dalawang hitmen sa pamamaslang kay Infante
City News

Granada at baril, kabilang sa mga narekober sa u-box ng motorsiklo na hinihinalang gamit ng dalawang hitmen sa pamamaslang kay Infante

March 2, 2026
City spearheads Cultural Mapping Workshop
City News

City spearheads Cultural Mapping Workshop

March 2, 2026
City eyes urban transport terminal near SM
City News

City eyes urban transport terminal near SM

February 26, 2026
Next Post
One palawan movement at 3 in 1 may kanya-kanyang paraan ng pangangampanya sa plebisito

One palawan movement at 3 in 1 may kanya-kanyang paraan ng pangangampanya sa plebisito

‘PATIENT ZERO’, hindi pa rin tukoy ng Puerto Princesa Incident Management Team

‘PATIENT ZERO’, hindi pa rin tukoy ng Puerto Princesa Incident Management Team

Discussion about this post

Latest News

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

March 5, 2026
Strip the money and see who still files candidacy

Under construction, under construction

March 5, 2026
Cong. JCA, sinabing malapit nang makauwi ang 24 Palawenyong mangingisda na nakapiit sa Kota Kinabalu

Cong. JCA, sinabing malapit nang makauwi ang 24 Palawenyong mangingisda na nakapiit sa Kota Kinabalu

March 2, 2026
Airport chief gunned down on Ash Wednesday ambush

Nineteen days before the bullet

March 2, 2026
SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

March 2, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15237 shares
    Share 6095 Tweet 3809
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11683 shares
    Share 4673 Tweet 2921
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10299 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9977 shares
    Share 3991 Tweet 2494
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9735 shares
    Share 3894 Tweet 2434
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us