Ipinaliwanag ni Dr. Mario Baquilod, Department of Health (DOH) Regional Director, ang mga posibleng sanhi ng pag-positibo sa COVID-19 ng isang bata sa Barangay Sta. Monica, Lungsod ng Puerto Princesa, Palawan.
Aniya, maaaring nagkaroon ito ng impeksyon at na-develop ang virus bago nagpakita ang sintomas ng COVID-19.
“Posible po ‘yon kasi ang ating incubation period, 14 days. Maaaring ‘yong nangyari sa bata, noong dumating sa Puerto Princesa, nag-manifest ang signs and symptoms at saka na i-swab at nag-positive–pwede naman po ‘yon,” saad ni Baquilod.
Pwede rin umano na asymptomatic ang bata noon o di kaya nasa Manila pa ay may virus na ito at nang humina ang resistensya ay dito lumabas ang sintomas.
“Baka during sa Manila ay nagkaroon na ng contaminations noon lamang. [Nang] dumating sa Puerto Princesa [ang bata ay] nag manifest na within 14 days period [ang symptoms]. May posibilidad na ang bata, baka positive na and then noong ma-examine uli, na-detect na mayroong [COVID-19]. Pwede naman ang RT–PCR ay mag-detect ng tinatawag natin ‘yong mga fragments ng virus, although sabi mo kanina mayroon nang signs and symptoms baka yan pa lang po ang kaniyang actually first infection,” pahayag pa ni Baquilod.
Samantala hindi rin maisasantabi na nagkaroon ng re-infection o nahawaan ang bata habang nasa biyahe pabalik sa lungsod.
“Isa rin sa tinitingnan [na posibilidad ay] nagkaroon ng re-infection during the treatment or during the travel going to Puerto Princesa–doon na-expose. Maraming posibilidad so kailangan masuri nang maayos yung pasyente,” karagdagang pahayag ni Baquilod.
Discussion about this post