Patay ang drayber ng motorsiklo na kinilalang si Jessril Dayapan Rabacca, 24 anyos at pansamantalang naninirahan sa BM Road, Brgy. San Manuel, Puerto Princesa, City.
Habang kinilala naman ang nakabanggaan nito na si Raffy Valerio Valencia, 30 anyos, tricycle driver.
Sa inisyal nq imbestigasyon ganap na 7:30 kagabi ng Mayo 22, sa bahagi ng Km. 27 South National Highway, Brgy. Luzviminda naganap ang aksidente
Pauwi na sana umano ang pampasaherong traysikel lulan ang tatlong (3) katao sa Munisipyo ng Narra habang ang drayber naman ng motorsiklo ay papunta sa lungsod.
Lulan ng traysikel ang 5 taong gulang na babaeng anak ni Valencia, at dalawa pang kasama nito na sina Franky Lucio, 24, residente sa Libis road Barangay San Pedro, at Raymond Locorte Villar, 18, residente sa Quezon Palawan.
Ayon sa salaysay ng mga nakasaksi, mabilis umano ang pagpapatakbo ng motorsiklo at kinain umano nito ang linya ng kabilang kalsada dahilan para sumalpok ito sa traysikel.
Mabilisan namang isinugod sa pribadong pagamutan ang mga ito, ngunit binawian naman ng buhay ang lulan ng motorsiklo dahil sa mga sugat na natamo nito.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad sa nangyaring aksidente.
Discussion about this post