100 pamilya ang naging benipisyaryo ng gift-giving at feeding program sa Purok Asinan, Barangay Tagburos ngayong araw ika-25 ng Abril.
Ang mga benepisyaryo ay myembro ng DAMPPPA o Demokratikong Aniban ng Maralita ng Puerto Princesa City at Palawan.
Ang aktibidad ay may temang “Pagkakaisa ng mamamayan tungo sa pagbangon, kapayapaan at kaunlaran”
Ang aktibidad ay pinangunahan ng kapatiran ng mga dating Rebelde sa Palawan o KADRE katuwang ang Puerto Princess City Police Office, 6th Civil Relations Group ng Western Command, 3rd Marine Brigade at ng Ugnayan ng maralitang Sektor sa Puerto Princesa City at Palawan o UMS.
Layunin ng programa na maiparating ang mga serbisyo ng mga ahensya ng pamahalaan at mga pribadong sektor sa mga mamamayan alinsunod sa kautusan ng EO 70 o ELCAC.
Discussion about this post