Arestado ang isang guwardya sa Puerto Princesa noong gabi ng Marso 12, matapos na magreklamo ang 10 taong gulang na lalaki sa kanyang magulang dahil sa umano’y siya ay pinahubad at hinalikan ng suspek.
Sa panayam ng News Team sa 40-anyos na ina ng nagrereklamo na residente sa Barangay San Jose, naglalakad raw ang kanyang anak galing sa isang shopping mall na nagbebenta ng kakanin at pauwi na ng tawagin raw ng guwardiya at inalok na bibigyan ng P400, kaya naman lumapit ang biktima sa suspek na kinilala na si Jonathan Daganio, 42-anyos, residente sa Barangay Mandaragat.
“Paliwanag ng bata, humubad yung guwardya mismo ng suot niya at tinanong ko siya kong saan siya dinala. Doon daw sa CR sa likod at pinahiga raw siya sa gilid sa may orange at hinalikan raw siya,” paglalahad ng ina.
Mariin naman itinanggi ng guwardya ang paratang sa kanya ng bata, at ayon sa kanya ang bata ang lumapit sa kanya at inutusan siyang maghubad.
Naghihingi rin daw sa kanya ng P20 bilang pamasahe, at itinanggi rin ng suspek na hindi siya ang unang nanghalik at pareho silang naghubad sa kagustuhan daw ng bata.
“Nilapit ng bata yung mukha niya sa akin kaya na ayun naghalik kami,” paliwanag ng guwardya.
Samantala, ang nasasangkot na guwardya dinala na sa Police Station 1, kasama ang City Anti-Crime Task Force at Barangay Tanod ng Barangay San Jose, upang sumailalim sa imbestigasyon ang gwardiya.
Discussion about this post