Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency-Palawan ang isang high-value target sa kanilang ginawang anti-illegal drugs buy-bust operation sa Libis Road, Brgy. San Pedro, Puerto Princesa nitong ika-2 ng Disyembre.
Kinilala ang suspek na si Pablito Daño Ompad, 37-anyos at residente sa nasabing lugar.
Nakumpiska ang isang pakete ng hinihinalang ilegal na droga ang suspek.
Samantala, naharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ang nahuling lalaki.
Discussion about this post