Nakasuhan na sa City Prosecutor’s Office kanina, October 6, ang pitong pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army o NPA na nahuli sa checkpoint ng pulisya at militar sa Bgy. San Jose, Puerto Princesa City kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang mga suspek sina Ronces Paragoso, Glendhyl Malabanan, Ka Niko, Ka Helen, Ka Jebar, Ka Joebert at ang diumano’y lider na si Domingo Ritas.
Kasama sa mga iprinisentang ebidensya ng pulisya laban sa mga suspek ay ang mga nakumpiskang kagamitan tulad ng mga gamit pampasabog, isang rifle grenade, isang 9mm pistol na baril na may dalawang magasin at maraming iba pa.
Kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possesion of firearms and explosives ay isinampang kaso ng pulisya sa mga suspek.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng Puerto Princesa City Police station 1 ang commitment order para mailipat sa Puerto Princesa City Jail ang mga hinihinalaang rebelde.
Discussion about this post